Aiza niregaluhan si Sylvia Sanchez ng bra para sa mga tomboy | Bandera

Aiza niregaluhan si Sylvia Sanchez ng bra para sa mga tomboy

Reggee Bonoan - September 29, 2014 - 03:00 AM

aiza seguerra
Habang bakasyon si Sylvia Sanchez pagkatapos ng Be Careful With My Heart ay mamimili siya sa ibang bansa ng puwede niyang itinda para may income pa rin siya.

“Para maski paano ay me kita pa rin, mahirap din kasi ang matengga ka ng ilang buwan sa bahay, so para maski paano, magtitinda-tinda ako, ito naman dati ang ginagawa ko,” say ni Ibyang.

Kagustuhan naman daw ng aktres na mabakante muna siya ng tatlong buwan pagkatapos ng Be Careful With My Heart sa Nob. 28 dahil, “Gusto ko munang asikasuhin ang pamilya ko, ang asawa ko, mga anak ko na hindi ko na nakikita.

Sa gate na lang kami nagkikita pag papasok siya sa school at pauwi naman ako galing taping. Kailangan ko naman ng trabaho, sino bang hindi, pero siyempre may pamilya rin ako at gusto ko ring gampanan ang pagiging nanay ko at asawa ko.”

Open naman daw si Ibyang sa anumang role at hiling niya sa manager niyang si Tita Angge na puwedeng tumanggap ng project basta’t sa Pebrero o Marso na siya magsisimulang mag-taping.

Samantala, sa susunod na buwan ay visible na naman si Sylvia para sa promo ng pelikulang “The Trial” na pagbibidahan nina John Lloyd Cruz, Richard Gomez at Gretchen Barretto.

Stand-up comedienne na tomboy ang papel ni Ibyang bilang ina ni John Lloyd, “Oo, grabe, tomboy ako kaya nga ako nagpagupit ng buhok, at ang peg ko si Aiza (Seguerra) kasi siya ‘yung nakakasama ko lagi sa Be Careful kaya siya ‘yung hinihingan ko ng tips.

“At para ma-feel ko na talagang tomboy ako, nagsusuot talaga ako ng briefs as in para ramdam ko talaga,” kuwento sa amin.
Akala namin ay nagbibiro lang siya tungkol sa paggamit ng briefs, “Ay hindi, briefs talaga suot ko.

At ‘yung bra, pinagawan ako ni Aiza ng bra na tulad ng suot niya, kasi di ba, flat dapat ang dibdib, e, pag ‘yung ordinaryong bra na suot din ng mga tomboy, masakit sa gilid lalo na kung may boobs ka, e, itong pinagawa ni Aiza, hindi masakit.

“Kaya ‘yung bra na suot ko, sponsor ni Aiza, black and white ‘yung pinagawa niya para sa akin.  Maganda at masarap isuot,” pagtatapat ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending