Isabel guwapung-gwapo kay John Prats
Hindi pa rin makapaniwala ang Kapuso actress na si Isabel Oli na engaged na sila ni John Prats. Sey ng dalaga, napakaespesyal ng ginawang proposal ni John at hindi niya in-expect na mag-e-effort ito ng bonggang-bongga para mag-propose sa kanya.
Nag-guest si Isabel sa gag show ni John na Banana Split at sa segment ngang “The Buzzzzz,” kasama sina “Tito Bhoy” at “Toni G.,” sinabi ng aktres na parang nasa langit pa rin siya until now.
Unang-una na-touch daw siya nang makita si John na nagsasayaw sa isang public place, “Sabi ko nga, nakakalungkot kasi sumasayaw ka sa ASAP, sumasayaw ka sa ibang tao, pero never kitang nakitang sumayaw.
Sumasayaw kami sa Kinect, pero sa actual, hindi siya ganun, eh.” Sa ASAP kahapon, kumanta ang dalawa, pagkatapos nito inulit ni Pratty ang ilang steps sa flash mob nu’ng proposal, sey ni Isabel, “Ang guwapo niya, di ba?”
Sinorpresa uli ni John si Isabel nang dumating ito sa studio ng Banana Split na may dalang bulaklak, sabi ng utol ni Camille Prats, “Thankful ako na dumating siya sa buhay ko.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.