Willie sunog na sunog ang mukha | Bandera

Willie sunog na sunog ang mukha

- March 11, 2012 - 03:01 PM


Palaging sunog ang mukha ni Willie Revillame.

Parang bagong lutong lechon ‘yun sa pamumula, kaya maraming tumatawag sa amin na nagtatanong, ano raw ba ang pinagkakaabalahan ng aktor-TV host at ganu’n ang kanyang itsura?

Nakakatawa nga, kung kailan naman napakainit ng panahon na ang lahat ay nagrereklamo sa tindi ng pagbabago ng klima ay saka naman halos araw-araw na naglalaro ng golf si Willie, kaya ganu’n na lang ang pagkasunog ng kanyang mukha at mga
braso.

Kahit sabihin pa niya na madaling-araw siyang nagpupunta sa golf course at hanggang alas otso nang umaga lang naman siyang naglalaro, ang epekto nu’n ay matindi pa rin, dahil nasasapul pa rin niya ang sikat ng araw sa
umaga.

“Ngayon lang kasi ako nakapaglalaro nang regular, ang tagal-tagal kong nahinto sa paggo-golf, dahil inuna ko munang harapin ang mga business na pinasok ko.

“Ngayong nakatayo na ang lahat, tuluy-tuloy na lang ang trabaho, nakapaglalaro na ako ngayon.

Na-miss ko ang paggo-golf, kailangan ko rin ito para sa katawan ko, medyo lumalaki na rin kasi ako ngayon,” kuwento ni Willie.

Tapos na ang ikalawang bahay na ipinatayo niya sa Tagaytay, nasa kabilang kalye lang ‘yun ng una niyang bahay na lumaki na nang lumaki, dahil nabili na niya ang katabing lote ng kanyang bakuran.

Mas paboloso ang ikalawa niyang bahay dahil dalawa ang kanyang swimming pool, mas malaki ang kabahayan, meron na namang bagong bakasyunan ang kanyang mga staff at dancers.

Kuwento ng kanyang staff, “Ang maganda kay kuya, e, open para sa aming lahat ang mga bahay niya sa Tagaytay.

Anytime na gusto naming dalhin ang mga anak namin, walang problema, nakikipag-coordinate lang kami sa secretary niya para masabihan ang mga caretakers nila du’n.

“Libre na ang place, nagpapaluto pa si kuya ng food para sa amin. Nag-iisa lang talaga si kuya, siya na talaga!” kuwento pa ng kanyang mahal na staff sa Wil Time, Bigtime.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

By: Cristy Fermin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending