Angelica isa sa mga abay nina Marian at Dingdong | Bandera

Angelica isa sa mga abay nina Marian at Dingdong

Ambet Nabus |September 22,2014
facebook
share this

Angelica isa sa mga abay nina Marian at Dingdong

Ambet Nabus - September 22, 2014 - 03:00 AM

marian rivera
TILA hindi talaga tatantanan ng intriga sina Marian Rivera at Heart Evangelista na lagi namang nagkakataon (o sinasadya na ba?) na nagkakapareho ang taste sa halos lahat ng bagay.

Mula sa shoes, damit, bag at kahit nga sa wedding ring ay parang lagi silang may contest, kaya ayaw silang lubayan ng intriga, lalo pa’t alam naman ng lahat na meron silang silent war.

Just last Saturday ay halos magkasunod na nagpost ang dalawa sa kanilang mga Instagram accounts ng kanilang mga bonggang dressna parehong gawa ng kilalang Dolce & Gabbana.

Nauna ngang nag-post si Marian na napakaganda sa floral dress nito with matching yellow bag. Sey ni Marian excited na raw siya sa araw na yun.

The next post ng aktres ay kasama na nito ang kilala ding designer na si Michael Cinco na napapabalitang siyang gagawa (o isa sa mga gagawa?) ng wedding gown nito come her December wedding this year.

Agad ding nakita ng netizens ang post naman ni Heart Evangelista, who is equally stunning and sexy sa parehong floral dress, at hawak naman niya ang pink bag na gaya ng kay Marian ay mamahaling din tiyak.

Medyo maiksi nga lang ang sleeves ng dress ni Heart kumpara sa long sleeves nu’ng kay Marian. Pero ang design at kulay ay halos nagkakapareho kaya’t kumalat ang tanong sa kung sino sa kanila ang mas magandang magsuot ng naturang dress.

At sino nga ba ang naiinggit kanino?

Speaking of Marian, may mga nanghuhula na malamang daw ay si Angelica Panganiban ang tinutukoy nitong makakasama sa kanyang entourage bilang abay sa kasal.

Sa social media account kasi ng huli ay nagyaya ang Kapamilya star ng bonding moment with the GMA Primetime Queen na agad namang inoohan ni Marian.

Dahil du’n ay umikot na ang mga espekulasyon na marahil ay si Angelica ang tinutukoy ni Marian na kukumpleto sa kanyang wedding entourage sa mga babaeng abay.

Matatandaang dalawang beses nang nagkatrabaho sina Angelica at Dingdong Dantes sa Star Cinema kaya’t inisip ng lahat na sila’y naging magkaibigan din.

Pero sinabi ni Angelica na once pa lang daw niyang nakaka-bonding si Marian at ang bukod tanging inaasahan nito ay ang maimbitahan siya ng couple sa kanilang biggest moment sa December.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sana nga invited ako sa wedding,” ang bahagi ng IG post ni Angelica habang kinumpirma ni Marian na very soon ay lalabas nga sila ng Kapamilya actress kasama ang iba pa nilang common friends para mag-bonding!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending