Jennylyn Mercado nakuryente habang naliligo | Bandera

Jennylyn Mercado nakuryente habang naliligo

|March 08,2012
facebook
share this

Jennylyn Mercado nakuryente habang naliligo

- March 08, 2012 - 04:18 PM

NAKURYENTE raw si Jennylyn Mercado habang naliligo sa isang hotel sa probinsya ng Abra.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente habang naka-check-in ang TV host-actress sa isang hotel. Hindi naman nabanggit kung kailan ito nangyari. Base sa kumalat na balita, naliligo raw ang Kapuso star  gamit ang portable water heater nang siya’y makuryente.

Hindi naman daw napuruhan si Jennylyn kahit na basang-basa ang kanyang katawan. Pero amoy na amoy daw sa loob ng banyo ang sunog.

Pagkatapos daw ng insidente ay nahilo  at nagsusuka ang aktres. Hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang kampo ni Jennylyn tungkol sa nangyari. Sa mga tweet naman ni Jen nitong nakaraang araw ay mukhang okay na okay naman siya.

Habang sinusulat namin ang item na ito ay hinihintay namin ang sagot ng PR ng GMA 7 pati na rin  ng handler ni Jen para magbigay-linaw sa nasabing chika. – Ervin Santiago

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending