Mensahe para kay PNoy, Binay | Bandera

Mensahe para kay PNoy, Binay

Arlyn Dela Cruz - September 16, 2014 - 12:12 PM

ISA lang ang mensahe na gusto kong iparating sa Pangulo. Our words represent our personality.

Ang salita ay sumasalamin sa tibok ng ating puso at laman ng ating kaisipan. Kapag sinabi mong “And I hope it’s not me”, na ang pinatutungkulan sa kung sino ang karapat-dapat na tumakbo sa pagkapangulo sa 2016, papakinggan ba natin ang tono at ang bagsak ng mga salita o uunawain ba natin ay ang mismong mga salita?

Iyon kasi ang gustong ipaunawa sa atin ng mga tagapagsalita ng pangulo—pakinggan daw ang tono at baka nga naman, nagbibiro lang. Seryoso ang bagay na iyon, at sana nga ay hindi seryoso ang pangulo sa kanyang sinabi. I certainly hope it’s not his subconscious speaking.

There are 100-million Filipinos and there is no potential for a new leader who could replace him? Nakakahiya naman yata yun.

Huwag sana nating tanggapin na basta ganoon lamang iyon. Walang monopolya ng kabutihan o kagalingan ng hangarin.

Leadership is about inspiration and part of that inspiration is in encouraging others to lead as well. Marahil, ang nais na sabihin lang ng pangulo, sa kanyang sariling partido, walang mapagpilian sa ngayon. ‘Yan ay bagay na partido nila ang dapat na humanap ng solusyon.

Sige, tono ang pakikinggan ko, kung paano niya ito sinabi. At umaasa ako na hindi talaga seryosong pahiwatig ang mas malawak pang panahon sa nakaupong pangulo.

***

Sa ating pangalawang pangulo, ito naman ang mensahe na nais kong itawid: Oo, tama ka naman, pulitika lang, pinupulitika lang dahil sa hayagan mong ambisyon sa panguluhan sa 2016.

Pero kailangan mo ring magpaliwanag, punto por punto. Bilang abogado at ilang beses mo itong binigyang diin sa mga una mong pahayag, sabi mo pa, “By the way, I was a practicing lawyer for many years..” —pagpapaalala ng napakaganda mong record bilang abogadong nagtatanggol sa mga kinakapos at inaapi noon.

Doon ako huhugot, sa kaalaman at kasanayan mo bilang abogado na natitiyak kong nalalaman mo na sa litigasyon, may bigat ang akusasyon ng isang dating nakasama at isang dating malapit sa iyo, lalo pa’t detalyado pa ang mga ito.

You have to do better than tell us that it’s just plain politics because we also see without doubt the motivations of Trillanes, Pimentel and Cayetano. Alam ng taumbayan yan. Ngunit kung iniaalok mo ang sarili mo bilang susunod na lider ng bansa, kailangan naming madinig ang kabuuan ng kuwento mo sa akusasyong ipinupukol sa iyo ng mga dating kasama at mga dating pinagkakatiwalaan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Operative words: dating pinagkakatiwalaan. Hindi niya malalaman ang nalalaman niya kung hindi mo siya dating pinagkatiwalaan. Prove him wrong if you must. Yes may korte, nasa korte ang usapin. Ngunit ang akusasyon ay higit sa usaping legal. Ito ay usaping moral. Ito ay bagay na magpapatunay ng iyong tunay na hangarin sa ating bayan, sa hinahangad mong pamumuno sa ating bayan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending