Anak ni Gary Estrada kinawawa lang sa ABS-CBN?
Back to where he really belong itong anak ni Gary Estrada na si Kiko Estrada. Actually, naging kaawa-awa ang sitwasyon ni Kiko nang mabastos siya sa isang presscon ng Dos.
Meron kasing isang nagmahaderang staff ng network na nagsabing hindi pumasa sa panlasa ng executives ng Dos ang acting ni Kiko kaya naman natsugi ito sa isang soap na pagbibidahan sana niya.
Imagine, siniraan nang harap-harapan ang bagets, hindi ba masakit ‘yon? Anyway, naka-move on na si Kiko and now he’s with GMA 7 na higit yatang may puso sa pag-handle ng career niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.