Lions nilapa ang Knights | Bandera

Lions nilapa ang Knights

Mike Lee - September 14, 2014 - 12:00 PM

Mga Laro Bukas
(The Arena)
2 p.m. Mapua vs St. Benilde
4 p.m. San Sebastian vs Perpetual

Team Standings: San Beda (12-2); Arellano (10-4); JRU (9-5); St. Benilde (9-5); Perpetual (8-6); Letran (6-8); Lyceum (6-8); Mapua (4-10); EAC (3-11); San Sebastian (3-11)

NANGANGALIT na leon ang naipakita ng San Beda tungo sa 73-44 paglampaso sa Letran sa 90th NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Ang mga malalaking manlalaro ng Red Lions na sina Arthur dela Cruz, Ola Adeogun at Kyle Pascual ang kumamada laban sa mas maliliit na katunggali para katampukan ang paglista ng ikalimang sunod na panalo ng four-time defending champions.

May 12-2 baraha ngayon ang Red Lions para okupahan na ang playoff  para sa puwesto sa Final Four.

Si Ola Adeogun, na hindi nakapaglaro dahil sinuspindi ng koponan matapos ang di pagsipot sa ensayo, ay bumawi sa pagkakataong ito sa kanyang 14 puntos at 10 rebounds.

May 17 puntos si Dela Cruz habang 11 pa ang ibinigay ni Pascual.

Dahil sa kawalan ng mapagkukunang puntos, ang Knights ay nagkaroon lamang ng 18 puntos sa first half para maiwanan ng 19 puntos, 37-18.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending