Dennis 2 taon nang tigang sa babae | Bandera

Dennis 2 taon nang tigang sa babae

Ervin Santiago - September 14, 2014 - 03:00 AM


INAMIN ni Dennis Trillo na naiilang at medyo nahihiya siya sa ibinigay na “Drama King” title ng GMA nang ipakilala siya sa presscon ng bago niyang teleserye, ang Hiram Na Alaala kasama sina Kris Bernal at Rocco Nacino.

“Hindi ako ready sa mga ganyang title, e, dahil hindi naman ako after sa mga title-title na ‘yan simula pa noon,” ang unang pahayag ng Kapuso leading man nang makorner ng entertainment media matapos ang presscon.

“Pero gusto ng network, yun na lang, okay lang. Medyo awkward, pero medyo naaano ako ’pag sinasabi, kasi hindi talaga ako naghahangad ng mga ganoong title,” sey pa ni Dennis.

Bukod nga sa Hiram Na Alaala ay napapanood din si Dennis sa medical drama series ng GMA na Sa Puso Ni Dok kasama si Bela Padilla tuwing Linggo.

Ngayon lang uli naging aktibo ang aktor sa telebisyon matapos ang phenomenal series nila ni Tom Rodriguez na My Husband’s Lover halos isang taon na ang nakararaan.

Kaya natanong si Dennis kung namimili na siya ngayon ng proyekto kaya medyo natagalan ang paglabas niya uli sa GMA?
“Hindi naman namimili.

Siguro ‘yung GMA ‘yung namimili para sa akin dahil alam nila na gusto ko, iba. Kasi marami na rin akong nagawang…‘yung plain lang na role na husband na mabait, boring.

Para sa akin, nabu-bore na ako sa ganu’n,” paliwanag ng hunk actor. Dito sa Hiram Na Alaala, gaganap siyang sundalo na nawalan ng memory dahil sa giyera, napunta sa kanya ang mga alaala ng kapwa niya sundalo na gagampanan nga ni Rocco Nacino at dito na nga magsisimula ang conflict na istorya, “Gusto ko yun, e, na iba-iba yung lagi kong ginagawa.

Katulad ng sinabi ko dati, ang tagal ko na sa industriya, marami na akong nagawang roles. “At kung yun at ‘yun lang ‘yung makikita nila sa akin, magsasawa sila.

At ayoko namang magpi-fade away na lang yung career ko. Gusto ko lagi akong nag-i-improve, gusto ko may bagong inaabangan lagi ang mga tao sa akin.

“Kailangan mo pa ring mag-reinvent dahil parang business din ‘yan, e. Kung walang bago, magsasawa ang kliyente mo,” aniya pa.

Stolen Memories ang dating title ng kanilang bagong serye, pero maraming nag-react, nega raw ang dating nito dahil sa salitang “nakaw” kaya pinalitan ito ng Hiram Na Alaala.

Kasama rin dito sina Lauren Young, Lotlot de Leon, Jackielou Blanco, Allan Paule, Antonio Aquitania, at marami pang iba sa direksiyon ni Dominic Zapata. Magsisimula ito sa Sept. 22 kapalit ng Ang Dalawang Mrs. Real.

Samantala, halos dalawang taon nang single si Dennis, “Oo nga, magdadalawang taon na. Kasi nakita ko na mas maganda rin naman yung nangyayari. Nu’ng wala akong girlfriend, napansin ko na mas matino nang konti (takbo ng career), so natuwa ako du’n. Kaya itinuluy-tuloy ko lang naman.”

Hindi naman sa ayaw na niyang magkadyowa, nakikipag-date naman daw siya, “Pero bihira, e. Kasi ’pag wala akong taping, ini-spend ko yung oras ko sa pamilya ko, sa anak ko. Kasama ko sila lagi,” chika pa ni Dennis.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ibig sabihin, two years na ring tigang sa babae si Dennis? Ha-hahaha! O, baka naman may sex life din naman pag may time! Ha-hahaha!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending