Sindikato sa PNP | Bandera

Sindikato sa PNP

Lito Bautista - September 12, 2014 - 03:00 AM

HINDI na nakagugulat kung ang National Police ay sindikato na ng lahat ng uri ng krimen, mula sa maliit hanggang sa kahindik-hindik. Talagang magiging kriminal at utak kriminal ang pulis (hindi naman daw lahat, marami na nga lang sila ngayon).

Bakit ang karaniwang checkpoint ay inilalatag ng mga pulis sa Metro Manila sa pagitan ng alas-9 at alas-11 ng umaga? Para meron silang pananghalian. Ang nahuhuling mga nakamotor na walang helmet ay pinasusuka ng P200. Sa pusakal na mga pulis, puwede na ang P50 kung talagang wala. Sa 20 mahuhuling walang suot na helmet sa Caloocan, kaon na ang mga pulis.

Sa Santa Ana at Pandacan sa Maynila, ang kulang na side mirror sa motor ay pinagkakakitaan ng mga pulis. Pati ang brake light ay may presyo. Sino nga namang rider ang gustong ma-libro sa presinto?

Matagal din namang namayagpag ang hulidap sa New Manila, Quezon City, lalo na sa may Mt. Carmel. Dito nadale ang anak ni Gen. Leonardo Espina. Ang katuwiran ng kumag na pulis, barya-barya lang ang lakad niya samantalang supot-supot ang dumarating sa intel. Kaya walang nahuhuling intel ay naghihintay na lang sila at ang kumag ay kakayod pa sa kalye.

Payat pa nga ang lakad ng mga pulis-La Loma kung mahigit P2 milyon lang ang kaon nila. Mababaw pa nga ang lakad nila kesa lakad ng kidnaper ng mga batang Instik sa Binondo. Ayon kay Teresita Ang-See, 40 na ang nakikidnap simula Enero hanggang Marso sa taon ito. Sa pinakamababang “presyo” sa Binondo, P120 milyon na ito. Sa ordinaryong presyohan, P800 milyon na ito. Sa tunay na presyohan,
P8 bilyon na ito.

Huwag na nating pag-usapan ang droga. Hindi lang pulis ang protektor sa droga. Protektor din ang mga politiko at ilang hungkag na mga abogado. Di ba’t koronel na PMAyer ang napatay noon nina Reynaldo Jaylo at Robert Barbers sa parking lot ng Magallanes, dala ang milyones na heroin?

Bakit ang napakara-ming sindikato ay nasa PNP? Ang Ikalawang Aquino ay walang alam sa krimen. Si Paquito Ochoa ay wala ring alam sa krimen. Si Mar Roxas ay hindi inaasikaso ang krimen at abala sa pamomolitika. Kung magnakaw ang mga senador at kongresista ay umaabot ng P100 milyon sa isang lakad lang. Paano naman sila? Alangang matulog na lang sila sa pansitan.

Teka. Nabuhay na naman ang rah-rah ni Panfilo Lacson. Hindi kailangan si Lacson bilang czar kontra krimen. Hindi maaaring kalimutan ang pagkakasangkot ng mga bata niya sa Dacer-Corbito kidnap-murder. Nariyan pa ang Kuratong Baleleng. Hindi nakukuha sa paglalagay ng sikat na apelyido ang paglaban sa krimen. Kahit si Rodrigo Duterte pa ang ilagay diyan kung marami na ang sindikato sa PNP.

Taun-taon ay bini-
bigyan ng P1 bilyon si Ochoa, bilang hepe ng Presidential Anti-Organized Crime Commission. Ang pondo ay para tugusin ang pinuno ng mga sindikato at wanted na mga kriminal. Paano tutugisin ang sindikato sa PNP, na sinasaluduhan pa? Paano ginasta ang pera ng taumbayan?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending