Kristel Moreno binalasubas ng netizens, dyowa raw ng politiko? | Bandera

Kristel Moreno binalasubas ng netizens, dyowa raw ng politiko?

Jobert Sucaldito - September 12, 2014 - 03:00 AM

KRISTEL MORENO

Nakaharap namin up close and personal ang controversial sexy actress na si Kristel Moreno sa kaniyang Kangaroo Jak Resto sa 2nd floor ng SM North EDSA the other day sa imbitasyon ng kaniyang publicist na si Ate Mercy Lejarde. Medyo late lang akong dumating dahil I had to attend to a lot of personal chores pero nagpang-abot pa rin kami.

Nagpatawag si Ate Mercy ng lunch with some select members of the entertainment media para maliwanagan ang isyu kay Kristel sa pagsusuot ng di-kanais-nais na sexy outfit sa nakaraang Star Magic Ball. May lumabas kasing picture sa nasabing okasyon sa social media showing Kristel’s unfit body wearing a see-through black gown designed by world-renowned designer Rocky Gothercole – pantyless and braless, that is, Kristel’s photo was kinda off nga sa mga nakakita nito sa social media.

Kitang-kita kasi ang kalusugan ng dibdib ni Kristel sa nasabing gown at mahabang slit sa side nito na halatang she wasn’t wearing something underneath. Pagkakita namin sa kaniya sa said resto, iyon agad ang bungad na tanong namin – bakit nagsuot siya ng ganoon?

“Tito Jobs, actually hindi naman pangit ang fit sa akin ng gown na iyon. It’s just that yung ipinost ng kung sinuman na photo ko, siguro yung worst angle ko. Yung shot na nalukot yung damit at naka-side ako nang bahagya na parang akala mo ay malaki ang bilbil ko. Look at the other photos na nakaharap ako, hindi naman masamang tingnan, di ba?” as she showed us some shots. Oo, nga naman. Hindi naman masagwa ang ibang kuha, bagay naman sa kaniya.

“Siguro meron lang nainggit sa kaniya that night kaya ang inilusot na picture niya ay yung pinakapangit para pagtawanan siya,” anang handler ni Kristel who was with us that early afternoon.

“Kahit ako, nu’ng makita ko yung naka-post na litrato ko, napangitan din ako. Pangit talaga. Hindi magandang tingnan, the fact sa sexy pa naman ang dating ng outfit. Yung sinasabi nilang bakit hindi ko man lang daw tiningnan ang sarili ko sa salamin bago ko isinuot ang gown, that’s not true.

“The fact is, tuwang-tuwa nga ang designer ko nang i-fit ko yung gown. It really looked good in person. Iyon nga lang, pangit yung lumabas na picture. Hindi ko rin sila masisisi. Pero kung nandoon ka at nakita mo in person ang gown ko, for sure you will defend me right away.

“Niloloko nga ako ni Enrique Gil dahil habang nasa harap ko sila while they were eating with other Star Magic boys, niloloko nila ako habang nakatingin sa bandang dibdib ko, ang sabi niya, ‘Umalis ka nga sa harap namin at hindi kami makakain1’ Ha-hahaha! Sabi ko sa kanila, ate na lang nila ako, ‘no!”

“Ang hindi ko lang nagustuhan sa ibang bashers ay yung below-the-belt na nilang tira sa akin, tinatawag nila akong pokpok.

May nagtataray pa at tinatanong ako kung sino raw ba ang may hawak sa aking politician. Napakapersonal na. Nasasaktan din ako bilang babae, bilang tao,” ani Kristel.

Anyway, speaking of Kristel, she hasn’t signed up again with Star Magic now pero she wishes na makabalik sa said management company. After her contract expired kasi with Star Magic ay lumipat si Kristel sa TV5 to do some works. Pero tapos na rin ang kontrata niya roon. Ang maganda lang kay Kristel ay hindi siya nagsunog ng tulay kaya malaya naman siya sigurong makakabalik sa Star Magic.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

The fact that she got invited to the ball, siguro naman ay sign ito na makakabalik siya. Kaya good luck to you, hija. Next time, be very careful with what you wear. Alam mo naman sa mundo natin, napaka-perfectionist ng mga fans. Hasus!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending