Jake, Bea balik-tambalan sa Strawberry Lane ng GMA
SIMULA ngayong Lunes, gigisingin ng pinakabagong light family drama series ng GMA na Strawberry Lane ang dreamer sa bawat isa sa atin habang patuloy na tinutupad ang ating mga pangarap sa kabila ng mga pagsubok sa buhay.
Pagkatapos ng matagumpay na pagpapalabas ng top-rating primetime series na Niño, muling maghahatid ang GMA ng dekalidad na drama series na itinatampok ang isang orihinal at natatanging kuwento ng apat na batang babaeng puno ng pag-asa at mga pangarap at nananatiling matatag sa pagharap sa mga pagsubok.
Pagsasama-samahin ng pinakabagong primetime series na ito ang ilan sa mga pinakamaningning na Kapuso stars. Ang Strawberry Lane din ang magmamarka sa muling pagsasama nina Bea at Jake bilang love team sa primetime TV na siguradong magbibigay ng mga nakakakilig na gabi sa mga manonood.
Makakasama rin dito sina Joanna Marie Tan, Rita de Guzman at Jeric Gonzales. Nandiyan din sina Sunshine Dizon, Christian Bautista, TJ Trinidad, Chanda Romero at Sheryl Cruz. Ito’y sa direksyon ni Don Michael Perez
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.