Banta ng tauhan ni Ronnie kay Edu: May araw ka rin!!! | Bandera

Banta ng tauhan ni Ronnie kay Edu: May araw ka rin!!!

Ervin Santiago - September 11, 2014 - 03:00 AM


SANDAMAKMAK na death threats ang natanggap ni Edu Manzano mula sa hindi pa nakikilalang indibidwal – ito’y may kinalaman daw sa pagkakasuspinde ng action star na si Ronnie Ricketts bilang chairman ng Optical Media Board.

Ayon kay Edu, binantaan daw siya ng mga nagpakilalang supporters ni Ronnie Ricketts, siya kasi ang itinuturong dahilan kung bakit daw kinasuhan at na-suspend ang pinuno ng OMB.

Sa kanyang Twitter account, ipinost ng TV host-actor ang litrato ng text conversation nila ng isa sa nagpadala sa kanya ng death threat na may caption na: “So, how many of you received a DEATH THREAT today? Check mine out, clearly written by AMATEURS and IDIOTS.”

Ayon sa isang text message ng unknown sender: “HOY MANZANO! ALAM NMEN NA IKAW NAG SBI KAY OMBUDSMAN N IPITIN AT SUSPEND SI CHAIRMAN RONNIE, MAY ARAW KA DIN GAGO! HUMANDA KA DIYAN PWERA TAKAS!”

Na sinagot naman ni Edu ng, “Matagal na akong handa. lagi akong handa, at kayo ang hindi handa para sa akin. Anong akala mo? Kayo ang gugulat sa akin? INAANTAY KO KAYO, GAGO! Wala akong kinalaman sa suspension, sariling kalokohan at kaswapangan ninyo kaya kayo sumabit!”

Paliwanag ni Edu, wala siyang kinalaman sa mga kasong kinasangkutan ni Ronnie Ricketts na sinuspinde nga ng Office of the Ombudsman kasama ang apat pang opisyal ng OMB “for neglect of duty” na may kuneksiyon sa isinagawang post-raid operations ng nasabing ahensiya sa Sky High Marketing Corporation sa Quiapo noong 2010.

Ayon pa kay Edu, “To all the Ricketts cronies that are harassing me: WALA AKONG KINALAMAN SA SUSPENSION NG BOSS NINYO. Since 2009, I have not had anything to do with the OMB.

In the first place, EXPIRED na ang appointment ng boss ninyo, at HOLDOVER capacity na lang siya. Naghihintay na lang ng kapalit, sumabit pa. Bakit ba ako ang pinagiinitan ninyo? His time was done anyway.”

Naging OMB chairman din si Edu noong 2004, at matapos ang limang taon, pinalitan nga siya ni Ronnie Ricketts.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending