Matteo inindiyan ni Sarah sa Star Magic Ball, inggit na inggit sa mga magdyowa
Hindi man diretsong aminin ni Matteo Guidicelli, pero siguradong inggit na ingit siya sa mga showbiz couple na um-attend na magkasama sa Star Magic Ball last Saturday.
Solong dumating ang Kapamilya actor sa nasabing event, wala si Sarah Geronimo dahil meron itong mas mahalagang dapat puntahan. Sinabi ni Matteo na in-invite niya ang Pop Princess sa nasabing party para maging date niya, pero hindi raw pumuwede ang dalaga.
“Wala nga, eh. Wala this year. May trabaho siya (Sarah) ngayon, may commitment siya ngayon at hindi niya maiwanan ‘yung commitment niya.
Yes, I invited her, but like what I said she has a commitment ahead already in her schedule,” paliwanag ng aktor nang makorner siya ng press people.
May nakapagsabi sa amin na kitang-kita ang lungkot sa mga mata ni Matteo kahit na nakangiti pa ito. Siguradong nainggit siya sa mga Kapamilya stars na dumating sa Star Magic Ball na may ka-date.
First time sana nilang rarampa sa isang event bilang magdyowa. Siyempre, ang ilang bashers sa social media ay muling umariba, baka raw may kinalaman na naman si Mommy Divine sa hindi pagsipot ni Sarah sa event na iyon.
Hindi raw kaya, pinigilan na naman ang singer-actress ng kanyang magulang na maki-party kasama si Matteo sa takot na mapariwara ang kanilang anak?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.