Rocco magpapayaman muna bago pakasalan si Lovi
Mag-iipon muna at magpapayaman nang todo si Rocco Nacino bago yayaing pakasal si Lovi Poe. Kahit daw kinilig sila ni Lovi sa proposal ni Sen. Chiz Escudero sa kaibigan nilang si Heart Evangelista ay hindi pa naman daw sila susunod sa mga ito.
“Matagal pa ‘yan, matagal pa,” sey ni Rocco dahil hindi naman sila nagmamadali ni Lovi. Ang gusto rin ni Rocco, kahit daw engaged na sila ay hindi pa rin agad-agad magaganap ang kasal.
“Hindi ba, mas okay ‘yun hindi ba mas exciting ‘yung you propose and then, together, sabay niyong paghandaan for one year yung kasal n’yo? Mas exciting para sa akin ‘yun.
Siguro ganu’n na lang. Tsaka ano pa e, ipon muna ako. Pati naman siya, e, nag-iipon pa rin. “I’m still early on my career so set my priorities muna.
Hindi ko naman pinapangunahan but, you know, I’m at my marrying age na rin,” paliwanag ng binata. Pero aminado si Rocco na napi-feel na niyang si Lovi na ang “the one”, “I have a good feeling about it.”
Samantala, bukod sa makulay na lovelife, patuloy pa rin ang pag-ulan ng swerte sa career ni Rocco. In fairness, napakasipag at napaka-professional naman kasi ng Kapuso actor.
Kung dati, artista hopeful lang ang binata, ngayon, isa na siya sa mga top leading men ng GMA. Matapos sumali sa StarStruck, umariba na ang career ng GMA Artist Center star na sunod-sunod nagkaroon ng mga teleserye, pelikula, at endorsements.
Unti-unting nakitaan ng galing sa pag-arte si Rocco. Umani siyang kauna-unahang nomination bilang aktor sa Golden TV Awards dahil sa kanyang pagganap sa teleseryeng Koreana.
Simula noon, napakarami nang na-achieve ng binata bilang aktor hindi lang sa TV kundi maging sa pelikula. Nakuha niya ang New Movie Actor of the Year award sa 28th PMPC Star Awards for Movies, pati ang Best Breakthrough Performance by an Actor award sa 9th Golden Screen Awards para sa “Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa”.
Pero ang isa sa mga hindi malilimutan ni Rocco ay ang pagsasama nila ng Superstar na si Nora Aunor at ng award-winning director na si Joel Lamangan sa Cinemalaya entry na “Hustisya”.
At sa pagbabalik naman ni Rocco sa primetime drama, gagampanan niya ang papel ng isang sundalo sa Hiram Na Alaala. Bukod sa pagiging huwaran na sundalo, isang dedicated na nobyo rin dito sa Rocco.
Mababago ang buhay niya nang matapos ang pagkakabihag sa mga rebelde.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.