May career pero walang love | Bandera

May career pero walang love

Joseph Greenfield - September 07, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay T.R., ng Calatrava, Negros Occidental
Dear Sir Greenfield,
Single mother ako dahil ako’y torpe sa lalaki.  Madaling humanga, madaling maniwala.  Ang tingin ko sa sarili ay bumaba na ang pinakamalas na yugto sa buhay ko, ang naanakan at iwan ng bumuntis sa akin.  Labis kong pinupuri ang aking mga magulang na binigyan ako ng ikalawang pagkakataon sa buhay at pinag-aral pa, hanggang sa makatapos sa kolehiyo.  Sa susunod na taon ay kukuha ako ng licensure examination at kapag nakapasa ay ito na ang nakikita kong paraan para makabayad sa aking mga magulang at mapalaki ko nang tama ang anak ko. Puwede mo bang sabihin sa akin na makapapasa ako sa exam?  May darating pa kayang lalaki sa buhay ko na tatanggapin ako at ang aking anak?  Ipinanganak ako noong Oktubre 21, 1991.
Umaasa,
T.R., ng Calatrava, Negros Occidental
Solusyon/Analysis
Palmistry:
Malinaw ang Sun Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, sa susunod na taon, madaling-madali lang sa career mo at sa iyong kapalaran na makapasa sa board exam, sapagkat nakatakda na sa iyong palad ang maging ganap na propesyonal.
Cartomancy:
Bagama’t suwerte sa career maaari namang sa pag-ibig ay malasin ka ulit, ang nais sabihin ng barahang Three of Spades, ngunit ang barahang Four of Heart ang nagsasabing sa ika-apat na pag-ibig, may itatalang tagumpay at panghabambuhay na kaligayahan.
Itutuloy….  

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending