Wenn ayaw iwan ng mga multo… may humihilik sa ilalim ng kama
SA tuwing gagawa ng horror project si direk Wenn Deramas ay hindi ito matatapos nang wala siyang mae-experience na kababalaghan o katatakutan.
Naikuwento na noon sa amin ng direktor ang ilan sa mga hindi maipaliwanag na pangyayari na naranasan niya habang ginagawa ang horror series na Maligno noon ni Claudine Barretto kung saan ilang beses daw siyang bina-ngungot.
Sa presscon naman ng latest movie niya, ang horror-drama movie na “Maria Leonora Teresa” ng Star Cinema na pinagbibidahan nina Zanjoe Marudo, Jodi Sta. Maria at Iza Calzado, showing on Sept. 17, hindi lang daw siya ang nakaramdam ng mga li-gaw na espirito habang ginagawa nila ang pelikula.
Sey ni direk Wenn, pati raw ang scriptwriter nilang si Keiko Aquino ay nakaramdam din ng nakakakilabot na pangyayari.
“Nagsusulat siya (Keiko) sabi niya ‘direk kamusta yung may naririnig akong yabag sa second floor eh mag-isa lang ako.’ Sabi ko naman sa kanya, ‘Keiks kamusta naman yung may humihilik sa ibaba ng kama ko na hindi yung anak ko,’ katabi ko kasi ang anak ko na natutulog,” sey ni direk.
Medyo sanay na raw si direk Wenn sa mga ganitong pananakot sa kanya, hindi na lang daw niya pinapansin ang mga ito, iniisip na lang niya, kailangan mas pagandahin pa niya ang first horror movie niya dahil baka ‘yun ang gusto ng mga nananakot sa kanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.