Iwasan ang banggaan | Bandera

Iwasan ang banggaan

- March 01, 2012 - 02:51 PM

HUMINTO ang pag-inog ng mundo ng mga politiko, lalo na ang mga trapo na palipat-lipat ng pugad depende kung sino ang makapangyarihang lumilimlim, sa malawakang pambansang Grand Evangelical Mission ng Iglesia Ni Cristo.

Sa Metro Manila ay naramdaman ang bigat ng trapiko’t basura dahil sa siksik na pagtitipon at pagdarasal sa Luneta, at ito mismo ang mga isyu na nais ipukol sa Kapatiran para lamang matuwa ang kanilang boss na nasaktan.

Kung ang titingnan at susuriin ay ang naganap sa Luneta, hindi ito sapat para maghusga at maglaro sa isip ang malilikot na duwende ng panginorin.

Dahil malalaki’t maamdamin din naman ang aral na tinanggap ng Kapatiran sa mga lalawigan, mula Ilocos hanggang Mindanao.

Kung sa Mindanao ay binobomba ang nagsisimbang mga Katoliko, ang INC ay iginalang at pinagbigyan sa maraming bayan at lungsod.

Sa San Miguel, Maynila, gusaling GSIS at Batasan Hills, nakakintal ang pangamba nang unang iniulat na ang pakay ng pagtitipon ay para sa pag-iral ng batas.

Hindi ba umiiral ang batas ngayon?  Kung totoong may panawagan ang INC sa rule of law, sinu-sino ang lumalabag sa batas at di ito pinaiiral sa ngalan ng kinamal na kapangyarihan?

Bakit kailangang isantabi at balewalain ang batas para lamang yumukod sa bugso ng iisa?

Bakit kailangang igiit sa taumbayan, lalo na sa mahihirap na mangmang sa nagaganap at patagisan sa impeachment court, na hindi na mahalaga ang boses ng iilan kundi ang pasya ng bansa (pinakamadaling banggitin ang bansa, lalo pa’t ito’y nagmumula sa labi ng makapangyarihan)?

Kung sakaling nababahala nga ang INC hinggil sa tahasang di pagkilala at paggalang sa batas ng kinasiyahan ng kapangyarihan, masama ba ito?

Kung sakaling ang paggalang sa batas ang nais ng INC, di ba’t ito ang dapat sa gobyernong demokrasya?

Lahat daw, ayon sa Malacañang, ay kinumbida sa pagtitipon.

Pero, lahat sa Malacanang ay di nagpaunlak.

May imbitasyon ang INC kay Chief Justice Renato Corona at iba pang mahistrado ng Korte Suprema, kabilang na ang tagapagsalita nito, si Justice Midas Marquez, na dumalo sa Grand Evangelical Mission.

Ito ba’y tanda ng pagkiling sa hudikatura?

Ang impeachment court, at iba pang senador na di naulanan ng dilaw, ay umiiwas sa constitutional crisis na maaaring magmula sa banggaan ng mataas na kapulungan at Senado.

Banggaan dahil sa di paggalang sa batas, at sa Saligang Batas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang banggaang yan ang iniiwasan ng nakararami, pati na ng INC.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending