BIBIGYAN ng pagpupugay ngayon ng mga opisyales sa palakasan at pamahalaan ang pambansang atleta na tutulak patungong Incheon, South Korea para lumaro sa Asian Games.
Ang send-off ceremony ay gagawin sa gabing ito at sina PSC chairman at Asian Games Chief of Mission Ricardo Garcia at POC president Jose Cojuangco Jr. ang mangunguna sa mga sports officials habang si Secretary to the Cabinet of the Philippines Jose Rene Almendras ang kakatawan sa Office of the President.
Si Almendras ang siyang maghahayag ng mensahe ni Pangulong Benigno Aquino III sa pambansang atleta na bibilang ng 150.
Ito ang ikalawang pagkakataon na haharap si Almendras sa mga atleta dahil una niyang ginawa ito sa send-off para sa London Olympics.
Nasa 205 ang kabuuang bilang ng pambansang delegasyon dahil may 55 coaches/technical officials ang nakatala na makakatuwang ng mga atleta sa hangaring higitan ang tatlong ginto, apat na pilak at siyam na tansong medalya na napanalunan noong 2010 Asian Games sa Guangzhou, China.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.