Garcia umaasang makalaro si Blatche sa Asian Games
DAPAT na gumawa ng posisyon ang FIBA patungkol sa eligibility rules na ipinaiiral ng Olympic Council of Asia (OCA) sa Asian Games.
Ito ang pananaw ni Philippine Sports Commission chairman at 2014 Asian Games chief of mission Ricardo Garcia na dumalo sa PSA Forum sa Shakey’s Malate kahapon.
Problemado ang Pilipinas sa estado ni naturalized center Andray Blatche dahil malaki ang posibilidad na hindi siya makapaglaro sa 2014 Asian Games na gaganapin sa Incheon, Korea mula Setyembre 19 hanggang Oktubre 4.
Ito ay kung hindi mababago ang three-year residency rule ng OCA. Sabi ni Garcia na may ganito ring problema ang tennis pero naayos na nito nang gumawa ng posisyon ang Asian Tennis Federation na ang kanilang eligibility rules ang dapat na umiral sa Asian Games.
Bunga nito, si Fil-German na si Katharina Lenhert ay pinayagan nang makapaglaro. “That should be the case with FIBA. In the Olympics, what they follow are the FIBA rules.
We are counting on FIBA to put pressure on the organizers,” ani Garcia. Dagdag pa ni Garcia na handang-handa ang lahat ng mga Pilipinong atleta na sasabak sa Asian Games.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.