Bianca King pampagana ni Dennis | Bandera

Bianca King pampagana ni Dennis

|February 29,2012
facebook
share this

Bianca King pampagana ni Dennis

- February 29, 2012 - 04:13 PM

Bukod sa magaling mag-alaga ng boyfriend

MAAYOS pa rin at wala raw problema ang relasyon nina Dennis Trillo at Bianca King.

So, puro kasinungalingan ang nakakarating na balita sa amin na mukhang sa wala rin mauuwi ang kanilang special relationship.

Nakausap namin si Dennis sa pocket presscon na ibinigay ng GMA para sa mga bida ng teleseryeng Biritera na napapanood gabi-gabi sa TeleBabad ng Kapuso network.

Sinabi ni Dennis na sa kabila ng kakulangan nila ng oras sa isa’t isa ay hindi raw ito nagiging rason para magkalabuan sila.

“Okay kami, lumalabas pa din, pero hindi na kasingdalas nu’ng dati dahil busy na kami pareho, magkasaliwa din ang kasi ang schedule namin.

Tapos, ang layo pa ng location nila, sa Bulacan pa. Pero kapag free siya ng Sunday, after Party Pilipinas, du’n lumalabas naman kami,” depensa ni Dennis na ang fresh-fresh ng itsura ngayon.

Sabi nga namin, mukhang magaling mag-alaga si Bianca. At natawa lang si Dennis sa amin! Ha-hahaha!

Hindi ba nagtampo si Bianca nang hindi siya makarating sa college graduation ng aktres?

“Hindi naman, alam niyang may trabaho rin ako sa Biritera. Tsaka malawak ang pang-unawa nu’ng tao na ‘yun. At ‘yun ang isang nagustuhan ko sa kanya.”

Hindi ba nakaapekto sa career n’yo ang lantarang relasyon n’yo?

Kasi ‘yung iba, kahit buking na ayaw pang umamin, “Feeling ko hindi naman, sabi ko nga, importante rin na may inspirasyon ka and ever since naman na nababalita kaming dalawa, never kong itinanggi na hindi siya espesyal sa akin.

Yes, inspirasyon ko siya sa mga ginagawa ko sa buhay ko, sa work. At siya rin naman ganu’n.

“Tsaka, para maging effective ka sa pang-araw-araw na ginagawa mo, masarap pa rin ‘yung may isang taong espesyal sa ‘yo na napapaligaya ka in so many ways.

Kumbaga, yun ang nagpapagana sa ‘yo para galingan ko pa, siyempre nandiyan din ang family ko, ang anak ko (Calix Andres),” pahayag pa ni Dennis.

Speaking of Biritera, of course, tuwang-tuwa ang buong production ng serye dahil maganda nga ang performance ng show sa ratings game.

“Oo nga e, considering na ang bidang bata namin baguhan pa lang,” na ang tinutukoy nga si si Roseann Magan.

“Kaya nakakatuwa dahil nakikita namin ang imp rovement niya, very natural siyang umarte, kakasalang pa lang niya pero ang bilis niyang makaintindi ng instructions,” hirit naman ni Dennis.

May nagsasabi na parang nababawasan yung exposures nila ni Glaiza de Castro sa Biritera dahil nakasentro nga ngayon ang kuwento ng soap sa mga bagets?

“Alam naman namin na sa mga unang linggo, sa kanila naka-focus ‘yung story, kasi kailangang i-build up muna yung character nila dahil connected ‘yun sa magiging kuwento namin nina Glaiza at Gwen (Zamora).

In fact, yung mga eksenang kinunan namin this week ay yung love story na nu’ng tatlong major characters. Kaya sana huwag silang bibitiw,” sagot ng aktor.

O, ayan, ha! Sa mga fans nina Glaiza at Dennis, huwag na kayong mainip dahil sa mga susunod na episodes ng Biritera ay sila naman ang magiging bida. Basta tutukan n’yo lang, OK!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang iba pang kasama sa primetime series na ito ng GMA ay sina Angelika dela Cruz, Rich Asuncion, Ryan Eigenmann, Neil Sese, Orlando Sol, Ken Chan, Kiel Rodriguez, Kim Komatsu, Hiro Magalona, Sweet Ramos, Barbara Miguel at Nomer Limatog and directed by Maryo J. delos Reyes.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending