Magsasakang pinabayaan (2)
Sulat mula kay D.D., ng Liloy, Zamboanga del Norte
Problema:
1. Ang akala namin ay tumutulong ang gobyerno sa magsasaka. Hindi pala. Nagkabaun-baun sa utang ang asawa ko, hanggang sa umaasa na lamang siya kapag may ipagagawa ang mga may-ari ng bukid sa kanya. Ang tanging nagbubuklod sa amin ng asawa ko ay ang kabaitan niya kahit na siya’y mahirap na magsasaka lamang.
2. Nag-asawa ako sa pag-aakalang giginhawa ang buhay ko. Pero, dusa pala ang pinasok ko. Noong ako’y nasa magulang ko pa, naglulugaw lang kami kapag merong may sakit sa amin. Ngayon, tatlo hanggang apat na beses kaming maglugaw para magkasya ang konting bigas na kinita ng asawa ko. Giginhawa pa ba ang buhay ko? Kailan?
Umaasa,
D.D., ng Liloy, Zamboanga del Norte
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Sagittarius (Illustration 1.) ang nagsasabing ikaw ang gumawa ng sarili mong paraan upang makaahon kayo sa kahirapan, at magagawa mo kung tulad ng nasabi sa Palmistry at Cartomancy, mag-aplay ka sa abroad!
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing lakas ng loob ang formula upang makaahon sa kahirapan, kung sa susunod na taon ay mag-aplay ka na sa abroad, sa nasabi ding taon, makakalipad ka patungong ibang bansa.
Luscher Color Test:
Ang isa pang formula upang makaahon kayo sa kahirapan, sa pag-aaplay sa abroad at gayon din kapag nasa abroad ka na, lagi kang magsuot ng kulay na dilaw at pula. Sa pamamagitan ng nasabing kulay, gagaang ang pasok ng pera, uunlad ka at yayaman.
Huling payo at paalala:
D.D., kapag nagawa mo ang simpleng rekomendasyon sa itaas, ang pag-aaplay sa abroad at pagsusuot ng suwerte mong kulay, magugulat ka sa magiging resulta, ayon sa iyong kapalaran sa susunod na taon, makapag-aabroad ka at sa sandaling nasa ibayong dagat ka na, magiging mabilis ang inyong pag-asenso, ang pag-ahon sa kahirapan hanggang sa tuluyang yumaman.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.