Anne payag makipag-sex sa kapwa babae | Bandera

Anne payag makipag-sex sa kapwa babae

Ervin Santiago - August 29, 2014 - 03:00 AM

ANNE CURTIS

KUNG titigil na sa pagpapaseksi si Cristine Reyes dahil sa kanyang relihiyon, game na game pa rin daw si Anne Curtis pagdating sa paghuhubad at pagiging daring sa pelikula.

Sey ni Anne, hangga’t kaya niyang gawin ang inuutos sa kanya ng direktor ay hindi siya tatanggi, kahit pa paghubarin pa siya nang paghubarin – pero siyempre, kailangang justified ang gagawin niyang eksena.

Sa presscon ng bagong movie niyang “The Gifted” kasama sina Cristine at Sam Milby, wala pa naman daw siyang limitations na pinaiiral sa kanyang career, “For as long as na keri ko, at sa ikagaganda ng project, why not, di ba?”

“Sa akin kasi, kung ano yung dumating na script, be it a comedy or a drama, pa-tweetums, sexy, okay sa akin. I don’t have limitations naman for as long as gusto ko yung ginagawa ko at nag-eenjoy ako. Kahit na sobrang wild pa yan, or tipong ‘Blue Is The Warmest Color’, why not? Basta challenging, game ako diyan,” kuwento ni Anne na ang tinutukoy ay ang French romantic drama film na umani ng parangal sa mga film festival abroad.

“Napanood n’yo ba ‘yun? Iba naman ‘yun, lesbianism naman ‘yun!” chika pa ng aktres. Kaya ang sumunod na tanong kay Anne kung keri rin ba niyang makipaghalikan at magkaroon ng sex scene sa kapwa babae tulad ng mga eksena sa tinutukoy niyang French movie.

“Grabe yun, ‘no! But ang daming awards, di ba? Yun ang sinasabi ko, if the script is…talagang binabasa mo pa lang, mapi-feel mo na ‘yung role mo, game! For me, it’s not about the kissing scene or the bed scene sa kapwa babae, e. It’s about the material. Kapag kasi napanood mo yung movie, hindi mo na maiisip na it’s a lesbian film. Lalo na sa ending, mapi-feel mo talaga yung love,” paliwanag pa ng Kapamilya leading lady.

Sa binanggit na foreign film ni Anne, tiyak na hindi ‘yun makakapasa dito sa Pilipinas, dahil siguradong X-rated agad ang ibibigay ng MTRCB, pero sey ni Anne, “Pero kung may offer na ganu’n, tapos pang-international filmfest, why not, go tayo diyan.

Hindi ko pa nagagawa ‘yun and for sure, super challenging ‘yun for me.”

Samantala, sa ikalawang pagkakataon nga ay muling magsasama sina Anne at Cristine sa isang pelikula, ito ngang “The Gifted” produced by Viva Films directed by Chris Martinez.

Sey pa ni Anne, mas nag-enjoy daw sila sa paggawa ng pelikulang ito dahil lagi lang silang masaya sa set, lalo na sa mga eksena nila bilang isang super taba at isang super chakang magkaibigan.

“Ngayon wala na kaming kapaan, bigayan na talaga, kasi gamay n’yo na ang isa’t isa, e. It’s more of…tulungan. Unlike sa ‘No Other Woman’, pabonggahan talaga ‘yun, tsaka medyo mabigat ang tema. Dito deglamorized kayo pareho, so, ibang-iba naman ito,” sey ni Anne.

“Si AA (palayaw ni Cristine) kasi, nakakatawa rin siya, kayang-kaya niyang mag-comedy, hanep din sa timing. So, siguro yung sinasabi niyang less sexy na siya, it’s her decision na kailangang i-respect natin. Siguro na-maximize na rin niya yung sarili niya, in terms of pagpapa-sexy, yung image na ganu’n. Pero dito sa movie namin, ipinakita niya kung capacity niya as a versatile actress,” papuri pa ni Anne kay Cristine.

Ang “The Gifted” ay kuwento ng magkaibigan na biniyayaan ng sobrang talino pero kinapos sa itsura. Gaganap na obese si Anne at isang hindi naman kagandahan si Cristine. Mula pa noong bata ay magkaribal na sila sa lahat ng bagay pero nanatiling magkaibigan.

Pero nang magdalaga na sila ay naging mortal na magkaaway. Hanggang sa gumanda na nga si Cristine at sumeksi si Anne.

Dito na nga magsisimula ang kanilang laban, lalo na nang muli nilang makita ang lalaking pinag-agawan nila noong bata pa sila, na gagampanan ni Sam Milby.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

In fairness, sa trailer pa lang ay aliw na aliw kami kina Cristine at Anne, kaya promise, panonoorin namin ang “The Gifted” dahil favorite namin ang mga ganitong uri ng pelikula – yung chillax lang at uuwi kang may ngiti sa iyong mga labi! Ha-hahaha! Pa-cute, ba!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending