GOOD am. Isa po akong serbidora sa restaurant. Ask ko lang po kung papaano ang computation pag holiday. Bago lang po kasi ako at ang sabi po ng amo ko ay wala raw pong dagdag kahit na holiday. Totoo po ba ito? Sana po ay matulungan ninyo ako.
Jenelyn
B-66 Kapitbahan, Navotas, Metro Manila
REPLY: Tamang-tama ang iyong katanungan, Jenelyn, lalo na ngayon na magkasunod ang holiday—ang Ninoy Aquino Day at National Heroes Day.
Para ikaw ay maliwanagan, ang Holiday Pay ay tumutukoy sa bayad sa isang manggagawa na katumbas ng isang araw na sahod kahit hindi pumasok sa araw ng pista opisyal.
Pero kung pumasok naman ay double pay ito. Kung hindi tatalima ang iyong employer, malinaw na may paglabag sa isinasaad ng batas sa paggawa.
Ang benepisyong ito ay sumasakop sa lahat ng manggagawa.
Lahat ng manggagawa na sakop ng holiday pay rule ay dapat bayaran ng kanyang regular sahod (daily basic wage at COLA). Ibig sabihin, ang lahat ng manggagawa ay kaila-ngang bayaran ng katumbas ng 100 porsyento ng kanyang arawang sahod kahit hindi pumasok sa araw ng pista opisyal, su-balit kinakailangang siya ay nagtatrabaho o kaya ay nakaliban sa trabaho na may bayad, isang araw bago sumapit ang regular holiday o pista opisyal.
Ang manggagawang pumasok sa araw ng regular holiday o pista opisyal ay kailangang bayaran ng doble o 200 porsyento katumbas ng kanyang arawang sahod.
Halimbawa: Ang NCR Minimum Wage (arawang sahod at COLA) ay P451 + P15 para sa no-agricultural sector, simula sa unang araw ng Enero 2014 sa ila-lim ng Wage Order No. NCR-18.
Para sa manggagawa na nagtatrabaho ng walong (8) oras:
SECTOR/INDUSTRY – RATE – AMOUNT
Non-agriculture – P466.00 – P466 x 200%=P932.00
Retail/Service Establishment employing less than 10 workers – P414.00 – Not covered or exempted
Kung ang regular holiday o pista opisyal ay pumatak sa araw ng pahi-nga ng isang manggagawa, siya ay may karagdagang 30 porsyento ng kanyang holiday pay rate na 200 porsyento o kabuuang 260 porsyento.
Kung ang regular holiday o pista opisyal ay pumatak sa araw ng Linggo, ang susunod na Lunes ay hindi holiday maliban kung may inilabas na proklamasyon na nagsasaad na ito ay special day.
Ito ay alinsunod na rin sa Excutive Order No. 929, na sinusugan ng Republic Act. 9849.
Dir . Nicon
Fameronag
Dole Director for Communications/Spokesperson
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga.
Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ust ream.tv/channel/dziq.vvv.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.