Kris butata sa kadaldalan ni Bistek; Derek nasa ‘panganib’ | Bandera

Kris butata sa kadaldalan ni Bistek; Derek nasa ‘panganib’

Cristy Fermin |August 26,2014
facebook
share this

Kris butata sa kadaldalan ni Bistek; Derek nasa ‘panganib’

Cristy Fermin - August 26, 2014 - 03:00 AM


Nagsisintir ngayon ang damdamin ni Kris Aquino. Spokesman na niya ang turing ngayon ng aktres-TV host sa dapat niyang nakarelasyon, pero naunsiyami, na si Mayor Herbert Bautista.

Sa isang pagtitipon kasing ipinang-imbita ng mayor ng Kyusi ay tinanong ito ng mga reporters tungkol sa nakaraan nilang relasyon ni Kris, game namang sumagot ang pulitiko, du’n siguro nabuwisit ang aktres-TV host dahil kinabog ng mayor ng Kyusi ang kanyang kadaldalan.

Parang pinalalabas pa ngayon ni Kris na nakapag-move-on na siya, pero si Mayor Bistek ay hindi pa, dahil katwiran ni Kris, kapag banggit pa rin daw nang banggit sa pangalan ng kanyang kapwa ang isang tao ay hindi pa ‘yun nakakausad mula sa nakaraan, pinaringgan niya ang aktor-pulitiko.

Nakakaloka si Kris, hanggang ngayon talaga ay hindi pa rin niya matanggap-tanggap sa kanyang sarili na umurong si Mayor Herbert sa dapat sana’y relasyon nila, inis na inis siya sa aktor-pulitiko.

Ang mahalaga raw sa buhay niya ngayon ay si Derek Ramsay, sila raw ang palaging magkasama, very close daw sila ngayon ng hunk actor.

Kung kailan naman problemado ang aktor sa kanyang personal na buhay ay saka pa umeeksena si Kris, talagang mahilig siyang pumasok sa masisikip, ‘yun talaga si Kris Aquino.

Sabi ng kaibigan naming propesor na palaging nagmamaasim kapag si Kris na ang paksa, “Naku, si Derek naman ang dadautin niya ngayon! Lahat ng na-link sa kanya, hindi maganda ang kinalabasan!” Ha! Ha! Ha! Ha!

( Photo credit to EAS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending