Nanay ni Heart nagmatigas pa rin, dinedma ang proposal ni Sen. Chiz | Bandera

Nanay ni Heart nagmatigas pa rin, dinedma ang proposal ni Sen. Chiz

Ervin Santiago |August 26,2014
facebook
share this

Nanay ni Heart nagmatigas pa rin, dinedma ang proposal ni Sen. Chiz

Ervin Santiago - August 26, 2014 - 03:00 AM


Matigas pa rin ang nanay ni Heart Evangelista. Talagang dinedma nito ang bonggang engagement ng anak at ni Sen. Chiz Escudero sa isang lugar sa Sorsogon.

Ayon sa aming source, tanging ang tatay lang ng Kapuso actress ang nag-text kay Chiz congratulating them. Pero ang ina ni Heart – “N.A.”  as in no reaction.

Kuwento ng isang taong malapit kay Heart, matagal na palang pinlano ni Chiz ang nasabing proposal, kinuntsaba nito ang ilang malalapit na kaibigan ng girlfriend para maisakatuparan ang kanyang balak.

Kabilang na  diyan sina Lovi Poe, Alessandra de Rossi at Rocco Nacino. Niyaya ni Chiz si Heart sa Sorsogon kasama ang pamilya nito para sa ilang araw na bakasyon, dahil nga sa long weekend.

Hindi raw alam ni Heart na nagtungo rin doon ang grupo nina Lovi para saksikahan ang proposal.Mga bandang 8 p.m., niyaya na si Heart ng isa niyang kaibigan na kumuha na ng pagkain sa dining area kung saan naghihintay na nga si Chiz at ang kanyang mga close friends.

Biglang pinatugtog ang isang love song at nagpakita na nga ang senador sabay basa sa text message ng ama ni Heart. Dito na napaiyak ang aktres.

Nandoon din ang anak ni Chiz na siyang nagbigay ng singsing sa senador para isuot sa kanyang fiancee. Nang sumagot na ng “yes” si Heart, biglang lumiwanag ang langit dahil sa bonggang fireworks display.

At dito na nga hinalikan ni Chiz sa labi si Heart. Pero ang tanong nga ng madlang pipol, kung dinedma ng nanay ni Heart ang proposal, matiis kaya nitong hindi pumunta sa kasal ng anak?

Hindi kaya malasin ang kasalan dahil nga sa pagtutol ng ina ng aktres? O, baka naman biglang lumambot ang puso nito para sa future husband and wife. Let’s just wait and see at abangan ang susunod na kabanata.

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending