Juday: Nagpapayat ako, kasi siyempre hindi ka na fresh! | Bandera

Juday: Nagpapayat ako, kasi siyempre hindi ka na fresh!

Ervin Santiago |August 26,2014
facebook
share this

Juday: Nagpapayat ako, kasi siyempre hindi ka na fresh!

Ervin Santiago - August 26, 2014 - 03:00 AM


NAPAKASWERTE ni Judy Ann Santos. Kung may isang local celebrity na talaga namang perfect ang personal life at career – si Juday na nga pinagpala.

Bukod kasi sa hindi siya nawawalan ng trabaho, napakaganda rin ng takbo ng married life niya. Sa kabila ng mangilan-ngilang intriga sa kanila ni Ryan Agoncillo ay nananatiling matatag ang kanilang pagsasama.

Masasabi nga nating, among her contemporaries sa showbiz, si Juday pa rin ang nananatiling reyna. “Siguro part din du’n yung dasal. Malaking bagay talaga yung dasal at saka yung pag-aalaga mo sa sarili mo, kung paano ka mag-e-evolve, kung paano mo ire-reinvent yung sarili mo.

Sa akin naman, nangyari lang kasi, may mga bagay akong ginawa na gusto ko, like yung culinary, hindi ko naman siya tinahi sa career ko, e.

“Kumbaga hindi naman ako nag-culinary para may iba pa akong ipakita sa tao, na puwede pala akong magkaroon ng mga endorsement.Hindi…nu’ng nag-culinary ako gusto ko talagang mag-culinary, gusto kong matutong magluto nang tama.

“Hindi ko naisip kung ano yung puwede kong kahinatnan, kasi inisip ko gusto kong mag-culinary kasi nandun na ako sa pag-iisip na sa dami ng mga artistang dumadating, baka dumating na sa punto na hindi na ako kunin, hindi na ako tanggapin,” ang mahabang paliwanag ng Soap Opera Queen.

Dugtong pa ng TV host-actress, “Kasi siyempre hindi ka na fresh, iba na yung mga dumarating na mga bago. Kaya I had to do something kasi hindi naman ako nakatapos ng pag-aaral.

Gusto kong ipakita sa mga anak ko na I regret not finishing my studies. Kasi wala akong alam talaga, wala akong ibang alam gawin kundi umarte.

“I had to learn something para mawala man ako sa industriya, may puwede akong ibang gawin. Dalhin mo ako sa ibang bansa, makakapagtrabaho ako. Iyon naman yung naging way of thinking ko nung nag-aral ako.

Nagkataon lang na nagtahi-tahi ba yung mga shows, yung Master Chef, yung Ysabella tapos nagkaanak.“Nagustuhan ko lang, I challenged myself na magpapapayat ako kaagad.

Dapat nga magpapakita ako nun ‘pag payat na ako pero mas chinallenge ko yung sarili ko na, ‘Okay sige magpapakita ako, lulunukin ko lahat ng batikos sa akin pero magpapapayat ako sa harap ng tao.’

“Kaya nagpapayat ako nang husto, iyon yung challenge ko sa sarili ko. Pero kumbaga hindi ko naman siya ginawa dahil may career plan ako,” chika pa ni Juday.

Sey pa ng aktres, “Kasi nandu’n na rin ako sa pag-iisip na, ‘Marami naman na akong napasaya siguro sa mahigit na dalawang dekada kong pag-aartista. Siguro naman oras na sarili ko naman yung isipin ko.’

So iyon, kaya ako nag-culinary, nag-work-out ako, nagpapayat ako, kasi gusto kong magbihis nang tama para sa asawa ko, gusto ko presentable ako sa mga tao ‘pag dala niya ako.

“At saka yung ‘pag may PTA (Parent-Teacher Association school meetings), ayun na yung concern mo e, yung pag may PTA, gusto mo maganda yung hitsura mo.

Kasi makikita nila yun e, ‘di ba? So gusto ko maayos ako, maayos akong makikita na nanay ako ng mga anak ko, yung ganu’n.
“Nagkataon lang talaga, wala naman akong plano.

Kaya ako thankful sa lahat, sa ABS, sa mga fans sa mga nandidiyan lang. Even sa social media, hindi ko nga naisip na mag-i-Instagram ako, ni hindi ko rin naisip na magpe-Facebook ako.

Kumbaga kailangan mo rin pala talaga mag-adjust and then along the way I realized na oo nga, at the end of the day, ang magre-reinvent lang sa iyo ay ikaw.

“Kaya kailangan mong mag-reinvent din kasi dapat sa panahon ngayon, hindi pupuwedeng wala silang ibang nakikita sa iyo,” litanya pa ng butihing misis ni Ryan Agoncillo.

Naisip lang namin, bakit hindi kausapin ni Juday si Claudine Barretto para mabigyan niya ng tips ang nakahiwalay na asawa ni Raymart Santiago? Siguradong maraming matututunan si Claudine kapag nagkausap sila nang masinsinan ni Juday, lalo na usaping pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to judy ann santos official fanpage )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending