Trabahong yayaman | Bandera

Trabahong yayaman

Joseph Greenfield |August 26,2014
facebook
share this

Trabahong yayaman

Joseph Greenfield - August 26, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay Jenilet ng Barangay 11, Roxas City  
Dear Sir Greenfield,
Meron akong lisensiya sa aking propesyon pero hindi ko magamit-gamit ito sa kasalukuyan kong trabaho.  Ang nauna kong inaplayang mga trabaho ay partikular sa height at physical appearance.  Ang mga ito marahil ang dahilan kung bakit hindi ako natanggap.  Kapag naga-apply ako, karaniwan ay apat hanggang lima ang aplikante kaya may pagpipilian.  Heto ako ngayon.  Panggabi ang trabaho.  At dahil sa matagal na akong panggabi ay tumanda na ang hitsura ko at hindi na angkop sa aking edad na 25.  Pero, wala nang ibang trabaho kaya nagtitiis na lang ako kesa wala.  Anong trabaho ba ako yayaman?  Sa abroad?
Umaasa,
Jenilet ng Barangay 11, Roxas City  
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Negosyo ang paraan para ka yumaman.  Hindi ka yayaman sa trabaho.  Malinaw sa palad mo ang Business Line (Illustration 1-1 arrow 1.), na ang ibig sabihin ay unahin mo ang pag-iipon o paghahanap ng puhunan. Kapag may puhunan ka na, subukan mong magnegosyo na may kinalaman sa natapos mong kurso o larangang kabisado mo.  Makikita mo sa ganyang paraan – ikaw ay yayaman.
Cartomancy:
Ten of Hearts, Queen of Diamonds at Nine of Diamonds ang lumabas, (Illustration 1.).  Ang magiging boyfriend mo ay may kaya o may pera at magandang katangian ito para sa balak na negosyo.  Huwag sanang dumaan na lamang ang magandang pagkakataon.

Itutuloy    

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending