Daniel binigyan ng ‘DIRTY FINGER’ nang manalong PBB Big Winner | Bandera

Daniel binigyan ng ‘DIRTY FINGER’ nang manalong PBB Big Winner

Jobert Sucaldito |August 26,2014
facebook
share this

Daniel binigyan ng ‘DIRTY FINGER’ nang manalong PBB Big Winner

Jobert Sucaldito - August 26, 2014 - 03:00 AM


SOBRANG dami ang tumaas ang mga kilay when Brazilian hunk Daniel Matsunaga became the grand winner sa katatapos lamang na PBB All In ng ABS-CBN.

Not because he didn’t show well sa loob ng Bahay Ni Kuya but because of some primary reasons that we have to take note.
Unang-una, hindi naman daw ito tulad ng ibang housemates na pumila sa init ng araw to audition.

Unlike many Filipinos na nakipagsiksikan sa libo-libong mga kasabayan sa audition ng PBB in many provinces and in the metropolis.

Pangalawa, hindi raw kaya may kinalaman si Kris Aquino sa pagpasok niya sa PBB All In dahil prior to Daniel’s entry sa said reality contest ay panay ang guesting nito sa morning show ni Kris and in fact, na-link pa sila for a while.

Someone very reliable whispered to us na talagang type raw ni Kris itong si Daniel who’s been very identified noon sa GMA 7 pero nang ma-link kay Kris ay biglang naging ABS-CBN baby na.

“Balitang-balita na sa small circle natin that Kris and Daniel would meet up abroad para mag-date at mag-shopping. Siyempre, si Kris daw ang taya,” sabi ng kakilala natin.

“Pustahan tayo. After niyan, magiging item ulit sina Daniel and Kris and may feeling ako, magiging magsyota talaga ang dalawang iyan. Iyan ang mga type ni Kris  –mga guwapo at maganda ang katawan.

Ang palalabasin na naman nilang kaechosan, ang assistant niyang si Darla Sauler ang may crush pero siya ang kauuwian ni Daniel. Natural, hindi siya tatanggihan ni Daniel, kailangan niya ng dahtung, ‘no! Poor boy lang naman sa Brazil iyan at naghahanap ng kabuhayan showcase sa Pilipinas.

“Kung naalala niyo pa, muntik na silang magkatuluyan ni Heart Evangelista before. Kaya lang ayaw ng family ni Heart kay Daniel dahil si Heart yata ang gumagastos sa bawat out of the country trips nila.

Kasi nga, saan naman kukuha si Daniel ng panggastos eh, hindi naman siya kasing-moneyed and busy like Heart nor Kris for that matter? Hindi naman kasalanan ni Daniel kung dyowain siya ng mayaman, ‘no! Mga sanay sa dahtungan ang mga taga-Brazil.

Some of them became models and some end up as male prostis. Mabuti nga si Daniel sa showbiz nauwi at nakatagpo ng mga katulad nina Heart and Kris, di ba?” ang mataray pang say ng kausap natin.

Pangatlong dahilan daw kung bakit nagulat sila sa pagkapanalo ni Daniel ay hindi nila akalaing magiging regular housemate ito sa loob ng Bahay ni Kuya.

Ang akala ng marami ay guest housemate lang siya dahil artista nga siya na pumasok when the show has already started. Unlike sina Jane Oineza and Alex Gonzaga na mula nang magsimula ang PBB All In ay nasa loob na.

“Di ba’t ginamit lang naman si Daniel na pandagdag appeal sa loob ng Bahay Ni Kuya dahil mahina nga sila sa ratings noon? Iyon pala ay nagtuluy-tuloy na at naging winner pa.

Ano iyon? Dapat nilinaw nila from the very start na kasali pala talaga siya, hindi as guest housemate pero as a regular housemate. Unfair iyon sa mga kasali. Sobrang unfair!” tili ng isang kaanak ng isang natanggal na housemate.

Pang-apat nilang dahilan, “Akala ko ba PINOY Big Brother ito, bakit taga-Brazil ang nanalo? Hindi naman PINOY si Daniel ah. Kaya lang naman nandito iyan dahil sa bisa ng kaniyang work permit, ‘no!

Wala siyang karapatang panalunan ang titulong iyan dahil hindi siya Pinoy, not even an inch of a Pinoy blood. Parang si James Reid iyan nu’ng manalo sa isang season ng PBB, lusot lang ng konti si James dahil may dugo siyang Pinoy – half-Australian yata ang bata.

Pero itong si Daniel, waley! He’s not even enjoying dual citizenship kaya unfair iyon sa mga Pinoy na lumahok,” sigaw ng isang observer.

Yes, nandoon na tayo, Daniel became everyone’s favorite during the latter part of the season dahil mabait daw ito at maganda ang performance sa loob.

But that’s not everyone’s point here, hindi siya PINOY, period. May point ang nag-aalsang ito.It sends a wrong signal kasi sa mga sumali at naghangad na manalo sa PBB. We hope to hear the logical side of the people behind the show.

Kailangang malinawan nga naman tayo kung bakit itinuloy nila ang pagiging regular housemate ni Daniel at nagwagi pa.
May nakita kaming lalaki sa isang Facebook post, nakuhanan siya ng video habang nagsasalita si Daniel after he won.

Nag-F sign ito sa banyagang hunk na tinawag pang “Boy Pakyu”.  Naputol tuloy ang pag-iyak ni Daniel pero napangiti na lang ito. Hindi namin ikinagalak ang ginawang bad sign ng mamang iyon but it’s just a sign na maraming hindi masaya sa naging resulta.

“Nasisiraan na yata ng bait ang mga tao sa likod ng PBB. Parang desperate na sila to make a little mark dahil mahina talaga sila sa ratings compared to the past PBB seasons.

Maraming nagalit sa kanila this season dahil marami silang ginawang kabalbalan. Tapos ang pinanalo pa nila ay isang banyaga na type lang ni Kris Aquino. I’m sure magdedenay na naman si Kris about this.

“Pero huwag ka, magbilang ka ng ilang araw o buwan – malamang na pakasalan na ni Kris ang Daniel na iyan. Strategy niya iyan para lalong lumaki ang pangalan ni Daniel.

Ngayong winner na ang lalaki, natural na lalaki rin na ang name niya sa industy kaya puwede na siyang mahalin ni Kris,” ang sapantaha pa ng aming kausap.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to EAS )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending