Robin apektado sa mga contestants ng Talentadong Pinoy | Bandera

Robin apektado sa mga contestants ng Talentadong Pinoy

Cristy Fermin |August 25,2014
facebook
share this

Robin apektado sa mga contestants ng Talentadong Pinoy

Cristy Fermin - August 25, 2014 - 03:00 AM


Saludo kay Robin Padilla ang staff and crew ng Talentadong Pinoy dahil sa ibinibigay niyang dedikasyon sa programang hino-host nila ng kanyang misis na si Mariel Rodriguez.

Pati ang mga ehekutibo ng TV5 ay hangang-hanga kay Robin, mismong si Ms. Wilma Galvante pa ang nagkuwento sa amin na may mga pagkakataong hindi na umuuwi ang action star, kumakain siya kasabay ang mga kalahok, kapag kinakausap niya ang mga ito ay alam niya ang mga pangalan ng mga contestants ng talent search.

“Ngayon lang daw ganyan si Robin sabi ng manager niya, sobra ang concern and dedication niya sa Talentadong Pinoy, nakakatuwa naman,” text sa amin ng executive ng TV5.

Nakakadalawang sultada na ang talent show, maganda ang kumibinasyon ng mag-asawa, binibigyan ng pagkakataon ni Mariel na lumutang ang husay sa pagho-host ni Robin.

“Bago po umalis sa studio si Robin, umiikot pa siya, nagpapaalam siya sa lahat, nagpapa-picture pa siya sa mga kasama ng contestants.

“Siya lang ang host na ganu’n, napakabait talaga ni Robin, napakaparehas niyang tumrato sa tao, malaki o maliit man. Kaya mahal na mahal siya ng staff at crew,” balita naman ng kanilang utility na si Sammy Villaresis. Panalong-panalo si Binoe.

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending