Nariyan lang ang BF (2) | Bandera

Nariyan lang ang BF (2)

Joseph Greenfield |August 25,2014
facebook
share this

Nariyan lang ang BF (2)

Joseph Greenfield - August 25, 2014 - 03:00 AM

 Sulat mula kay Dinnah ng Barangay Baloyboan,  Pagadian City
Problema:
1.      Malungkot ang sasapit na mahalagang araw sa akin. Naglaho ang boyfriend ko.  Ang pinakamasakit, tinangay siya ng lalaki at sumama naman siya.  Hindi ko alam kung may relasyon sila.  Isasama raw ng lalaki ang boyfriend ko sa abroad.  Kahit may skill ang boyfriend ko ay napagkasunduan namin na hindi siya maga-abroad.
2.    Sa kanyang iniwang mensahe, ginawa raw niya ito para may magagasta kami sa aming pagpapakasal.  Ipadadala raw niya ang kanyang suweldo sa amin para ibangko ko.  Pero, kalahating taon na siya sa abroad ay hindi pa siya nagpapadala ng pera.  Hindi rin siya nagte-text o tumatawag.
Babalik pa ba siya?
Umaasa,
Dinnah ng Barangay Baloyboan, Pagadian City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Leo (Illustration 2.) ay nagsasabing basta’t patuloy ka lang nagpakatatag, sa bandang huli magiging happy ending din ang lahat, higit lalo’t nagkataong ka-compatible ng zodiac sign mong Leo ang zodiac sign na Aries ng boyfriend mo.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing biglang suwerte ang mararanasan mo matapos ang manaka-nakang kalungkutan sa paghihintay mo sa iyong nobyo. Kung saan, kahit wala kayong kumunikasyon sa ngayon, hindi ka pa rin nawawala sa puso niya, dahil ang birth date mo at ang sa  boyfriend mo ay sadya namang tugma at compatible sa isa’t isa.
Huling payo at paalala:
Dinnah, ayon sa iyong kapalaran, ang nangyayari ngayon sa inyong relasyon ng boyfriend mo ay pagsubok lamang sa inyong samahan. Ang lahat ng problema ay ganap ding mapaparam, kung saan muli kayong magkakaroon ng komunikasyon, hanggang sa tuloy-tuloy na uling magmahalan, at sa kanyang pagbabalik, ihahanda na ninyo ang masaya at magarbong kasalang hahantong sa maligaya at panghabambuhay na pagmamahalan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending