HOROSCOPE, August 25, 2014 | Bandera

HOROSCOPE, August 25, 2014

Madam Sophia |August 25,2014
facebook
share this

HOROSCOPE, August 25, 2014

Madam Sophia - August 25, 2014 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Sa pinansyal, maraming materyal na bagay ang darating subalit kung patuloy kang magiging magastos, mauubos din iyan. Panahon na upang magtipid at paghandaan ang nalalapit kapaskuhan. Sa pag-ibig, magpatulong sa kasuyo na magbalot ng relief goods. Mapalad ang 4, 18, 26, 34, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Nada-Om.” Orange at gray ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Umiwas sa mga social gatherings na malaking gastos lang ang napapala, mag-concentrate ka na lang sa mga gawaing mapagkakaperahan. Sa pag-ibig, makikita mo, kapag malayo ka sa lipunan, mas lalong iinit ang inyong pagmamahalan. Mapalad ang 3, 12, 21, 27, 38 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Chaintaya-Yama-Om.” Pink at red ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Pagkain ang magpapasigla sa araw na ito. Magpaluto sa kasuyo ng isang masarap na meryenda – pansit palabok,. Sa pinansiyal, tulad ng pagka-takaw mo sa pagkain, ganon din ang dapat na paghahangad na yumaman. Mapalad ang 3, 9, 18, 33, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra, “Krishnaya-Namahaya-Govindaya”. Blue at lilac ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Habang bata ka pa at malakas, mag-isip ng dagdag na pagkakakitaan. Sa pag-ibig gawing inspirasyon ang kasuyo sa anomang iyong ginagawa. Mapalad ang 5, 17, 27, 35, 44, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Soka-Devah-Om.” White at green ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— Laging isama ang isang nilalang na may birth date na  8, 17, o kaya’y 26 siya ang suwerte mo sa larangan ng salapi at materyal na bagay. Sa pag-ibig, hindi masamang bumigay sa hinihingi ng kasuyo may birth date na 7, 16, at 25. Mapalad ang 7, 8, 9, 35, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ghaya-Om.” Silver at yellow ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— Dahil fire o apoy ang elementong iyong tinataglay, mga produktong maiinit, binibilad sa araw at niluluto ka yayaman. Sa pag-ibig, kung tutugunan ang kapusukan ng kasuyo, lalong iinit ang relasyon. Mapalad ang 9, 18, 27, 33, 39 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Kaleneha-Mahata-Nastah-Om.” Orange at lilac ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Liliit lalo ang iyong kinikita kung lagi kang nagdadadaldal. Minsan bigyan ng pagkakataon ang ibang tao upang maihayag ang kanilang saloobin. Kapag wala sa iyong naiinis mas madaling lalago ang kabuhayan. Mapalad ang 8, 19, 24, 34, 44, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Amor-Cito-Amor Teneo.” Violet at white ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Panahon na upang simulan ang negosyong may kaugnayan sa pagkain. Sa pag-ibig, mabilis kang yayaman basta’t lagi naka-alalay ang kasuyong kayumanggi ang kulay. Mapalad ang 3, 6, 27, 32, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Orissa-Krisna-Orissa-Om.” Pink at red ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—  Sa mga taong mababait ka lang makipag-transaksyon upang hindi ka ma-racket. Sa pag-ibig, piliin ang isang nilalang na laging nakasuot ng kulay na pula – sa kanya ka higit na liligaya. Mapalad ang 7, 18, 26, 35, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Speculum-Meum-Deum.”  Maroon at green ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—  Pana ang simbolo ng iyong zodiac sign. Sa pinansiyal para dumami ang kita tutukan mo ang iyong ginagawa! Sa pag-ibig, may masarap na romansan kung itututok ang iyong pagmamahal sa kasuyong Aries.  Mapalad ang 3, 9, 27, 38, 41 at 49. Mahiwag mong mantra: “Om-Agla-Om.” Red at blue ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Alam mo bang nakatakda sayong kapalaran ang magka-house and lot na may third at fourth floor? Ganyan ang magiging bahay mo malaki, mataas at yari sa bato. Sa pag-ibig, kung hindi ikaw ang magiging chubby, isang matabang nilalang ang mapapangasawa mo. Mapalad ang 1, 7, 16, 24, 33, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Pad-Me-Om”. Pink at green ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)— Sa labas ng bahay mas marami pagkakataon upang kumita ng dagdag na salapi. Sa pag-ibig, ipunla sa isipan ng kasuyo ang pagpapaunlad ng kabuhayan upang mas madali kayong yumaman. Mapalad ang 2, 16, 29, 33, 39 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Shiri-Mantra-Shiri-Yantra.” Orange at brown ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Pagandahin ang paligid lalo na bago pumasok ang buwan ng Setyembre. Ang aliwalas na kapaligiran ang magdadala ng magandang kapalaran at masarap na romansa. Mapalad ang 1, 4, 6, 25, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om.” Green at yellow ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending