Sharon naging pabaya sa katawan kaya ‘inatake’ | Bandera

Sharon naging pabaya sa katawan kaya ‘inatake’

Cristy Fermin - August 22, 2014 - 03:00 AM

SHARON CUNETA

Madamdamin ang napakahabang open letter ni Sharon Cuneta sa kanyang Facebook account. Kumpleto ang kanyang rebelasyon, hubad na hubad ang Megastar sa kanyang mga pahayag, wala na siyang ikinukubling detalye ng kanyang buhay sa likod ng mga camera.

Naglabas siya ng saloobin, inisa-isa niya ang mga natikman niyang hindi kagandahang karanasan sa lokal na aliwan mula nu’ng ipakilala siya bilang singer, hanggang sa maging abala na siya sa pagiging aktres.

Ang pinakasentro ng kanyang bukas na liham sa kanyang mga tagasuporta ay ang kanyang pinagdadaanang kalungkutan dahil sa sitwasyon ng kanyang pangangatawan.

Aminado si Sharon, naging pabaya at maramot siya, dahil nakalimutan niya ang kasabihan na ang artista ay may responsibilidad na kailangang ingatan sa kanyang publiko lalo na sa kanyang mga tagahanga.

Nagpalaki siya ng katawan, tumaba nang tumaba, dahil sa kanyang personal na kaligayahan sa pagkakaroon ng masayang pamilya.

Nandu’n din ang kanyang emosyon para sa mga taong hindi nakakaunawa sa kanya. Ayon kay Sharon ay nakalulungkot lang isipin na dahil pampublikong personalidad siya ay ganu’n na lang siya kung husgahan ng mga taong hindi naman nakakakilala nang lubusan sa kanya.

Sa kabuuan ay nanghingi siya ng paumanhin sa mga taong binigo niya. Nandu’n din ang kanyang pasasalamat sa mga kababayan nating walang sawang sumusuporta sa kanya mula pa nu’ng kantahin niya ang “Mr. DJ.”

Napakatotoong bukas na liham, sinsero ang bawat linyang binitiwan ng Megastar, isang patotoo lang ‘yun na malungkot talaga sa itaas ng tatsulok at may presyong pinagbabayaran ang mga sikat na pampublikong pigura.

Pero sa markang nagawa na niya sa pagkanta, pagiging aktres at TV host, ay hindi na makakalimutan ng showbiz ang isang Sharon Cuneta.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending