Manager ni Sam at Angeline nanunulot ng talents?
Manunulot o namimirata nga ba ng talents ang Cornerstone Talent Management Agency na pag-aari ni Erickson Raymundo?
Matagal na kaming nakakarinig ng ganitong isyu, pero dedma naman kami kasi alam naming hindi totoo.
Si Erik Santos ang una naming naringgang sinulot daw ng Cornerstone sa Backroom na sa totoo lang ay hinding-hindi dahil pinakawalan siya mismo ng talent management na pag-aari ni Boy Abunda na ngayon ay mina-manage na ng staff niya.
At si Erik mismo ang kumausap kay Erickson na i-manage siya. Tanda nga namin ay napaiyak pa ang boyfriend ni Angeline Quinto nang ikuwento niya ang paglipat niya sa Cornerstone kasi nga at that time ay may gusot sila ni kuya Boy pero naayos din naman at good friends na sila ngayon.
Isa pang narinig namin ay si Angeline na Star Magic talent ay kinausap din daw si Erickson para ico-manage dahil singers nga ang forte ng Cornerstone.
Next in line naman si Rachelle Ann Go na kasalukuyang nasa London ngayon para sa “Miss Saigon”. Sa pagkakaalam namin ay expired na ang kontrata ng singer-actress sa Viva Artists Agency ni Veronique del Rosario-Corpus kaya walang sabit ang paglipat ng dalaga sa Cornerstone.
Ang unang Pinoy Dream Academy grand winner na si Yeng Constantino naman ay ang mismong Star Magic ang nag-endorse sa Cornerstone para ico-manage rin tulad ni Angeline.
Puro singers naman talaga ang talents noon ni Erickson tulad nina Richard Poon, Sam Milby, Erika at Krissy, at marami pang iba.
Pati ang asawa ni Richard Poon na si Maricar Reyes ay nasa pangangalaga na rin ng Cornerstone (co-managed din ng Star Magic). Ang isa pa pala ay si Moi Bien, ang alalay ni Piolo Pascual na inendorso rin ng aktor dahil kasosyo naman siya sa Spring Films na movie outfit ng Cornerstone.
Ang latest ay si Jericho Rosales nga na ayon din naman sa aktor ay expired na ang kontrata sa Genesis. Nandiyan din ang anak ni Jose Manalo na si Nicco Manalo na nakakuha ng una niyang award bilang best supporting actor sa 2014 Cinemalaya Film Festival para sa pelikulang “The Janitor” na balitang ang “pinirata” na rin ng Cornerstone.
( bandera.ph file photo )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.