Bigas: 18...P27 | Bandera

Bigas: 18…P27

- February 23, 2012 - 04:26 PM

NOONG presidente pa si Gloria Arroyo, ang bigas-NFA (National Food Authority) ay P18.

Bagaman hindi talaga maikukumpara sa primera klaseng butil, nakakain pa rin naman ang P18 na bigas, panawid-gutom ng mahihirap at bumubuhay din naman sa taumbayan, naghihirap dahil may mga pangunahing pangangailangan tulad ng load, sigarilyo, alak o shabu.

Ang P18 na bigas ang siyang pangunahing sangkap ng lugaw, sa mga gotohan.

Kapag nakulayan, di na mapapansin ang “dumi” ng bigas.

Bago natapos ang termino ni Arroyo ay unti-unting inalis ang subsidy sa bigas-NFA kaya unti-unting tumaas ito.

Kahapon, ayon sa NFA, ang bigas nila ay ibinebenta sa halagang P27.

Wala na ang bigas na P18 bawat kilo ang halaga dahil panahon pa ito ni Arroyo.

Wala ring mabiling bigas na P27 bawat kilo ang halaga dahil kailangang galugarin pa ang buong Metro Manila para makatagpo ng “stock” nito.  Walang NFA rice na P27 sa merkado ng mahihirap.

Pero, marami ang commercial rice, na nagkakahalaga ng P33 hanggang P48 bawat kilo.  Mapuputi, mababangong butil.  Kay sarap kainin.

Tayo’y nasa matuwid na daan na, kaya ang commercial rice at di abot ng mahihirap.

Buwayang politiko

BATU-bato sa langit, ang tamaan ay huwag magagalit.

Pero, galit na galit na ang isang politiko at ayaw niyang tawagin ang kanyang angkan na buwaya, kutyain, alipustain at pagtawanan. Ayaw niyang ituring silang magnanakaw at tiwali.

Pero, dapat bang isabatas ang pagsupil sa opinyon ng taumbayan laban sa mga magnanakaw at ulol na politiko?

Galit ang taumbayan at natutuwa lamang silang mapanood na ginagaya sa telebisyon ang mga magnanakaw at ulol na politiko para makapagpatawa.

Kahit saglit ay nalilibang ang mahihirap dahil, bagaman hindi tuwirang tinutukoy ng telebisyon, ay kilala naman ng taumbayan kung sinu-sino ang mga magnanakaw at ulol na politiko.

Kung sino pa nga ang magnanakaw at ulol na politiko ay siya pa ang naglilinis-linisan kapag napapanood sa telebisyon at nababasa sa dyaryo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bakit hindi pumapalag ang malilinis at magagaling na politiko?  Kung sino ang pumutak, siyang nakaapak.  Batu-bato lang naman yan sa langit, bakit siya magagalit?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending