Tito, Helen 43 taon nang kasal: pagkain ang sikreto | Bandera

Tito, Helen 43 taon nang kasal: pagkain ang sikreto

Ervin Santiago |August 20,2014
facebook
share this

Tito, Helen 43 taon nang kasal: pagkain ang sikreto

Ervin Santiago - August 20, 2014 - 03:00 AM


Araw-araw may buffet na kainan daw sa kanilang kusina kaya naman dinarayo ito ng kanilang mga pamilya at kaibigan. Ano naman kaya ang recipe ng kanilang 43 taong pagsasama?

Ngayong gabi sa Powerhouse, samahan ang award-winning journalist na si Kara David na pasukin ang bahay at buhay ng mag-asawang sina Sen. Tito Sotto at Helen Gamboa.

Sa isang exclusive subdivision sa Quezon City nakatira sina Tito at Helen. Elegante at puti ang prominenteng kulay ng buong kabahayan.  Ideya raw lahat ito ni Helen at siya rin mismo ang nag -aayos ng mga bulaklak  sa kanilang tahanan .

Sa katunayan ay nagpapabili pa siya ng mga sariwang bulaklak linggu-linggo. Marami ring paintings ang buong bahay at ang ilan dito ay obra ng batikang aktres.

Iba naman ang personalidad ng kanilang powder room na zebra ang tema. Komportable raw dito at puwedeng tumambay para magkuwentuhan pero ang pinakapaborito nilang bahagi ng kanilang bahay ay ang kusina.

Mahilig kasi magluto si Helen kaya naman piyesta raw dito araw-araw. Kare-kare, menudo, at adobo ang ilan lang sa paborito ng senador. Pagkain nga ba ang bumihag sa puso ni Tito Sen? Ano ang secret recipe ng kanilang pagmamahalan?

“Give and take at saka it helps a lot kapag patay na patay sa iyo ang asawa mo!” Sino nga ba ang nagsabi nito? Abangan lahat ‘yan sa espesyal na episode ng Powerhouse tonight sa GMA 7.

( Photo credit to EAS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending