Reklamo ni Aljur sa mga bossing ng GMA hinarang kaya nagkademandahan | Bandera

Reklamo ni Aljur sa mga bossing ng GMA hinarang kaya nagkademandahan

Cristy Fermin |August 20,2014
facebook
share this

Reklamo ni Aljur sa mga bossing ng GMA hinarang kaya nagkademandahan

Cristy Fermin - August 20, 2014 - 03:00 AM


Sa isang panayam namin kay Attorney Fedinand Topacio sa aming programa sa radyo (Cristy Ferminute, 92.3 News FM-AKSYON TV-41) ay madiing ipinaliwanag ng magiting na abogado kung bakit humantong sa korte ang hinaing ng guwapong aktor na si Aljur Abrenica.

Malakas ang kanyang duda na ang mga problema ng mga kontratadong personalidad ng GMA 7 ay hindi nakararating sa mga top executives ng network.

Tulad na lang ng pinoproblema ngayon ni Aljur, maraming beses nang nagtangka ang actor-singer na magkaroon siya ng pagkakataong makausap ang mga ehekutibo ng istasyon, pero walang nangyari.

Sa pagkainip sa paghihintay na makaharap niya ang mga haligi ng network para maiparating ang kanyang mga hinaing ay nauwi na ‘yun sa husgado.

“Parang sa middle ground pa lang, e, nababalewala na ‘yun, hindi nakararating sa mga tamang tao, parang wala silang communication,” pahayag ni Attorney Topacio.

Simple lang ang gustong mangyari ni Aljur, hindi niya hinihingi ang langit mula sa kanyang network, gusto lang niyang maging maayos at makabuluhan ang kanyang mga ginagawa.

“Labas po sa ginawa kong action ang hindi pagtanaw ng utang na loob, hindi po mawawala sa puso ko ang pagpapasalamat sa GMA 7, may mga gusto lang po sana akong hilingin sa mga top executives dahil hindi na ako masaya sa mga ipinagagawa nila sa akin.

“Hindi po ako magsasawa sa pagsasabing tumatanaw ako ng utang na loob sa mga ginawa at nagawa sa akin ng GMA 7, pero pakinggan din sana nila ang mga gustong sabihin ng artista nilang katulad ko,” pahayag ni Aljur Abrenica.

( Photo credit to aljur abrenica official fanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending