Marian naawa kay lola, nagalit sa mga tambay | Bandera

Marian naawa kay lola, nagalit sa mga tambay

Ervin Santiago |August 20,2014
facebook
share this

Marian naawa kay lola, nagalit sa mga tambay

Ervin Santiago - August 20, 2014 - 03:00 AM

Halatang naimbiyerna kahapon si Marian Rivera sa “Juan For All, All For Juan” ng Eat Bulaga. Awang-awa ang Kapuso Primetime Queen sa lolang nanalo dahil kahit matanda na ito ay patuloy pa ring nagtatrabaho para buhayin ang kanyang pamilya.

Obvious na obvious ang pagkairita ni Marian nang malaman niyang may mga anak pa palang lalaki si lola na ang lalaki pa naman ng katawan pero walang mga trabaho, kaya napipilitan ang matanda na maglabada at magtinda ng balot para suportahan ang kanyang mga apo.

Sey nga ng TV host-actress, handa niyang ampunin si lola para hindi na ito mapagod sa pagtatrabaho na meron pang iniindang sakit. Payo pa niya sa mga anak ni lola, sana raw ay alagaan naman nila ang kanilang nanay, “Anuman ang mangyari iisa lang ang nanay niyo.

Dapat alagaan niyo,” sabi ni Marian.  In fairness, tama naman ang mga sinabi ni Marian, di ba?

( Photo credit to marian rivera official fanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending