Kim na-miss ang pagkabrusko ni Gerald | Bandera

Kim na-miss ang pagkabrusko ni Gerald

Jobert Sucaldito |August 20,2014
facebook
share this

Kim na-miss ang pagkabrusko ni Gerald

Jobert Sucaldito - August 20, 2014 - 03:00 AM


Kaartehan na yata ang mga drama ni Kim Chiu na ayaw pa raw niyang makatrabaho in a project sina Gerald Anderson and Maja Salvador. Okay na raw yung civil lang sila ni Maja pero ang magkaroon sila uli ng teleserye o pelikula together wag daw muna. Obviously, hindi pa rin ito nakaka-move on sa split-up before kay Ge.

Hasus naman ang babaeng ito. Akala ba namin ay masaya na siya sa piling ni Xian Lim. Hindi ba’t matagal na silang nagdadramang magdyowa o nagliligawan? Bakit parang hindi pa siya naka-move on? Dahil hindi brusko ang Xian na ito kaya hindi niya feel?

Kasi nga balitang may malamya ang Xian na ito at ang feel ni Kim ay macho na tulad ni Gerald. Mahihirapan nga si Kim na mag-move on kung puro pretension lang itong kanila ni Xian. She must find someone brusko uli.

Huwag siyang paloloko sa paniniwalang puwedeng maging sila ni Xian na malambot pa raw sa kawayang tinamaan ni Yolanda.
“She should act like a professional, mga aktor sila and hindi nila dapat pinipersonal ang trabahong inu-offer sa kanila.

Mas maganda nga yung magsama silang tatlo in a project eh, lalo silang sisikat at tiyak na pag-uusapan yan. Kaso nga lang, ayaw daw ni patpating Kim na makasama ang dalawa sa anumang project kaya malabong mangyari ito.

“Kaya raw ayaw niya dahil baka hindi naman ang project ang pag-uusapan, yung personal lang daw nila ang makakalkal. Hasus Kim, move on, girl! Nasa inyo lang naman iyan kung papayag kayong magamit sa publicity.

Aminin mo na lang Kim na in love ka pa rin kay Gerald. Nanghinayang siguro siya, lalo na nang makita niya ang controversial and scandalous picture ni Gerald na kumalat sa internet.

Ha-hahaha!” sabi ng isang praning naming barkada. Grabe ka naman. So gross! Ha-hahaha! Kim is wholesome, OK? Tayo lang ang hindi. Promise!!!

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending