‘Somebody To Love’ nina Carla, Iza at Matteo nakakuha ng Grade A sa CEB | Bandera

‘Somebody To Love’ nina Carla, Iza at Matteo nakakuha ng Grade A sa CEB

Ervin Santiago |August 20,2014
facebook
share this

‘Somebody To Love’ nina Carla, Iza at Matteo nakakuha ng Grade A sa CEB

Ervin Santiago - August 20, 2014 - 03:00 AM

GRADE A ang ibinigay ng Cinema Evaluation Board sa latest offering ng Regal Entertainment na “Somebody To Love” na pinagbibidahan nina Carla Abellana, Iza Calzado, Matteo Guidicelli, Jason Abalos, Isabelle Daza at marami pang iba.

Ibig sabihin nito, totoo ang sinabi sa press ni Mother Lily Monteverde na talagang maipagmamalaki nila ang “Somebody To Love” at isa na nga ito sa pinakamagandang proyektong nagawa ng Regal.

Bukod nga sa pagiging star-studded ng movie, tiniyak ng writer-director nitong si Joey Reyes na makaka-relate ang bawat Pinoy sa kuwento nito.

Showing na ngayon sa mga sinehan ang “Somebody To Love” kaya kayo na mismo ang humusga kung karapat-dapat nga itong bigyan ng Grade A!

Samantala, speaking of Carla Abellana, tuloy pa rin ang mga nakakakilig at nakakaiyak na mga eksena sa GMA TeleBabad series na My Destiny kasama sina Tom Rodriguez, Rhian Ramos at Lorna Tolentino.

Ngayong gabi, sisipot si Matthew sa party ni Joy para sabihin na sa kanya ang totoo tungkol sa relasyon nina Matthew at Grace. Nang magkaharap-harap na ang tatlo, bigla namang may darating na mga pulis para arestuhin si Arnold.

Magugulat ang lahat. Di na naman makakapagtapat sina Grace at Matthew kay Joy. Worried sina Agnes, Grace at Joy. Susunod sa presinto si Grace kasama si Agnes. Makikiusap naman si Nicole kay Ruth na huwag nang kasuhan si Paul.

Problemado tuloy si Selena. Sa presinto, aamin si Arnold sa kasalanan niya. Sisihin ni Joy ang sarili. Iko-comfort naman ni Matthew si Grace at mag-aalok ito ng tulong sa dalaga.

Hindi mawawalan ng pag-asa sina Grace at Agnes. Balak nilang pambayad ang bahay at lupa nila para makalaya si Arnold. Maririnig ni Joy si Grace na may kausap sa telepono.  May konting duda si Joy.

Desidido sina Grace, Joy at Agnes na ilabas sa kulungan si Arnold. Kukunan din ni Grace ng video si Joy para kay Arnold. Samantala, gusto na ring harapin ni Paul ang kasong isasampa nina Ruth sa kanya.

Samantala, pupuntahan nila Grace at Agnes ang boss ni Arnold na si Manny. Tututulan nina Selena at Mateo ang gustong gawin ni Paul. Makakaharap na nina Grace at Agnes si Manny.

Luluhod ang mag-ina sa harap ni Manny para kay Arnold. Magkakaroon ng kasunduan sina Agnes at Manny. Balak ni Agnes na pambayad ang bahay at lupa nila. Sa sumunod na araw, darating si Matthew sa bahay nina Grace.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Habang hinahanap ang titulo ng bahay nila, malalaglag bigla si Grace at masasalo siya ni Matthew!

( Photo credit to somebody to love official fanpage )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending