Joseph Marco: Hindi na ako virgin, 15 years old ako nu'n! | Bandera

Joseph Marco: Hindi na ako virgin, 15 years old ako nu’n!

Reggee Bonoan |August 20,2014
facebook
share this

Joseph Marco: Hindi na ako virgin, 15 years old ako nu’n!

Reggee Bonoan - August 20, 2014 - 03:00 AM


KAMAKAILAN lang namin nasulat na mukhang lumang tao si Joseph Marco dahil sa makapal niyang buhok na napapanood sa Pure Love ay heto at may bago na namang tawag sa kanya, mukha raw siyang Troll.

Throwback time tayo, si Troll ay isang manyika na nabibili sa Gift Gate noong 80s at talagang mabenta ito dahil sa kakaiba niyang itsura na nakataas ang buhok na kulay pula.

Baka si Troll ang peg Joseph Marco para sa papel niyang gangster sa “Talk Back And You’re Dead” na palabas na ngayong araw mula sa Viva Films at Skylight Films na idinirek ni Andoy Ranay.

In fairness, aliw naman ang red hair ni Joseph sa pelikula. Bagay naman sa kanya.Samantala, sa huling panayam namin kay Joseph Marco ay natanong namin siya kung open din siya sa kanyang private life tulad ng kaibigan niyang si Enchong Dee na napaamin nina Boy Abunda at Kris Aquino sa Aquino & Abunda Tonight na hindi na siya virgin.

Diretsong sinagot ni Marco ang tanong namin kung virgin pa siya, inamin niyang sa edad na 15 ay may karanasan na siya sa sex. “Ha-hahaha! Matagal nang hindi (virgin), grabe 25 years old na ako, hindi na!” tumawang sabi ni Joseph Marco.

Nabanggit kasi namin na may ilang lalaki pa ring sarado ang isip at nananatiling intact ang pagkalalaki kahit na nasa tamang edad na. Sabi naman ng aktor, “Sa generation natin ngayon? I don’t think so, kasi mga 24 or 15, marami nang devirginized.”

Nakatatlong seryosong girlfriends na si Joseph, pero hindi raw sa mga nabanggit niya ang unang experience niya, “Hindi, I was 15 that time, so adventure lang, so kapag bata ka, very careless ka, okay naman.

It turned out to be fun,” kuwento ng aktor. Mas may edad daw ang babaeng nakauna kay Joseph at dalawa rin sa mga naging karelasyon niya ay mas matanda sa kanya, “Mga non-showbiz lahat, natatakot din naman baka makabuntis, pero pag girlfriend mo, siguro hindi,” say ni Joseph.

Para sa kanya, kailangan ba may pre-marital sex bago ang kasal at paano kung ang gusto niyang babae ay katulad ni Nikki Gil na kasal muna bago mangyari ang gusto niya, “To be honest, mas okay din naman talaga ‘yung kay Nikki, kasi mapi-preserve mo ‘yung love ninyo for each other at saka may ilu-look forward kayo after the wedding.

“Kasi kapag nakuha mo na lahat, parang nandiyan na lang, parang ibang-iba ang feeling sa hindi pa (nag sex),” paliwanag ng aktor.

Sa mga sinabing ito ng aktor ay gusto rin niyang makahanap ng katulad ni Nikki Gil? “Hindi naman looking for another Nikki, but kung sino ‘yung maibibigay sa akin, ang importante sa akin ay kung sino ‘yung makakasundo ko, virgin man siya o hindi na. Kung paano talaga mag-jive ang ugali namin in the long run.

“Paano kung virgin nga siya, tapos away kami nang away, wala rin, di ba?  But as of now, I’m still single for more than two years na. But it doesn’t mean na when you’re single, hindi ka nakiki-mingle, di ba,” seryosong sabi ng binata.

Sa madaling salita, may exclusive na dini-date ngayon si Joseph, buti hindi clingy? “Siyempre, mamimili ka naman ng hindi clingy, sa status ko ngayon na nasa showbiz, dapat mas maingat ako.

I just entertain people whom I can trust, kasi alam mo na, baka maka-damage rin,” katwiran ng aktor. So, may pagka-Pure Love pa rin ang nararamdaman ni Joseph kapag may dini-date siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to joseph marco official fapage )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending