Bilang ng jobless lumobo ng 300,000 | Bandera

Bilang ng jobless lumobo ng 300,000

Leifbilly Begas - August 19, 2014 - 02:54 PM


DUMAMI ang mga Filipino na walang trabaho batay sa survey ng Social Weather Station na inilabas kahapon.
Tinatayang 25.9 porsyento o 11.8 milyong Filipino ang walang trabaho ayon sa survey na isinagawa noong Hulyo 27-30, mas mataas sa 11.5 milyon (25.7 porsyento) sa survey noong Marso – o humigit kumulang sa 300,000 ang itinaas ng bilang ng jobless.

Sa mga walang trabaho pero naghahanap ng mapapasukan, apat na porsyento ang hindi pa nararanasang magtrabaho, 13 porsyento ang boluntaryong umalis sa kanilang pinapasukan, isang porsyento ang nagsara ang kompanya, anim na porsyento ang hindi na na-renew ang kontrata at dalawang porsyento ang tinanggal.

Umaasa naman ang 32 porsyento na darami pa ang mapapasukang trabaho sa susunod na 12 buwan, 28 porsyento ang nagsabi na kokonti ito, 29 porsyento ang walang nakikitang pagbabago at 11 porsyento ang walang sagot.

Mas marami naman ang mga babae na walang trabaho (39.9 porsyento) kumpara sa mga lalaki (14.7 porsyento). Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,200 respondents.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending