Nora hinirang na ‘Pambansang Artista ng Mamamayan’ | Bandera

Nora hinirang na ‘Pambansang Artista ng Mamamayan’

Alex Brosas - August 19, 2014 - 03:00 AM

NORA AUNOR

Sunud-sunod ang magagandang bagay na dumadating sa Superstar na si Nora Aunor.

Matapos magwagi bilang Best actress sa nakaraang Cinemalaya 10 aybibigyan na naman ng pagkilala si Ate Guy. Sa darating na Agosto 29, 2014, ay idadaos ang isang programa bilang pagkilala kay Bb. Nora Aunor bilang Pambansang Artista ng Mamamayan. Gaganapin ito sa Tanghalang Bayan, College of Mass Communications, Polytechnic University of the Philippines (PUP) Main Campus, Sta. Mesa, Manila.

Mahahati sa dalawang bahagi ang programa: Unang Bahagi: Paggawad ng Pagkilala sa Pambansang Arista ng Mamamayan at ang Ikalawang Bahagi ay ang film showing ng “Andrea, Paano Ba Maging Isang Ina?”.

Alma mater namin ang PUP kaya naman natutuwa kami na bibigyan si Ate Guy ng natatanging pagkilala. Ito na siguro ang sagot sa ipinagdamot ng gobyernong National Artist award sa Superstar!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending