PUTOK na putok pa rin ang hiwalayang Dra. Vicki Belo at Hayden Kho. It’s something very personal, yes!
Pero since mga public property naman sila (being popular in their own right), hayun at talagang pinagpipistahan sila ng buong bayan.
Dumating na si Dra. Belo from her week-long hiatus sa States – spent her Valentine’s day with children Quark and Crystalle.
Bond-to-death ang mag-iina and we felt good for them.
Pero habang wala sila, napakaraming speculation ang naglabasan – kabilang na yung tweet ni Hayden na kesyo si Dra.
Belo raw ang may ibang lalaki at hindi raw siya ang nangaliwa (ang dating aktres na si Nancy Castiglione ang sinasabing third party sa hiwalayan).
May lumabas kamakailan na ang Azkals player na si Aly Borromeo ang sinasabing bagong dyowa ni Dra. Belo, hanggang sa nagsalita na si Crystalle na hindi ito totoo dahil personal friend daw niya si Aly.
Nanahimik for a few seconds ang balita hanggang sa pumutok recently sa latest tweet nga ni Hayden na ang yoga instructor and gym master na si Al Galang ang bagong boyfriend ni Dra. Vicki.
Inilabas pa ni Hayden ang alleged letter ni Al for Dra. Belo – isang intimate letter calling Dra. Belo “Baby” sa heading ng letter.
Part of the letter says na mawawala lang si Al for two weeks and he’ll truly miss the girl. Say pa nito kay “Baby”, “Save the hugs and kisses” or something to that effect. Underneath is a signature of Al Galang.
Nagkaroon ng isyu ang nai-tweet ni Hayden regarding the alleged affair of Dra. Belo and this certain Al.
Siyempre, kaming mga bading ay excited to see the face of this Al Galang hanggang sa matisod ko ang ka-machohan at kaguwapuhan nito sa RDDantes.com kung saan topless si Al at naka- boxer briefs lang na bongga ang bukol!
Ganda ng katawan at yung tipong magugustuhan talaga ni Dra. Belo. Pero I am not saying na sila nga ha.
Sabi ko nga, kung ako ay mayaman like Dra. Belo, baka ibahay ko pa si Al. Ha-hahaha! Mukhang panalo talaga more than Hayden.
Mas yummy siya and more delicious that Hayden, huh! At mukhang mas lalaki kaysa kay Hayden. I am not saying that Hayden is gay, ha!
Anyway, ni-retract na raw ni Hayden ang mga tweets niya against Dra. Belo and this guy, Al.
Nagkausap na rin daw sina Hayden at si Al at nagkalinawan na. Kumbaga, naiba na ang ihip ng hangin to the point that he promised to cancel his Twitter account dahil it doesn’t do him good daw.
Ewan ko lang kung anong kadramahan na naman ito ni Hayden.
Talo pa niya ang mga artista sa dami ng issue at parang nag-eenjoy naman ang mokong.
Sana nag-bold star na lang siya before, baka napakinabangan pa siya ng mga badingding. Ha-hahaha!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.