Iza type magpabuntis kay Piolo…pero may malaking problema
“OPO, sinabi ko na si Piolo Pascual ang gusto kong maging sperm donor kung sakaling gusto kong magkaanak.” Ito ang ginawang pag-amin ni Iza Calzado sa grand presscon ng pelikulang “Somebody To Love” kamakailan tungkol sa isyu sa kanila ng ka-loveteam sa Hawak Kamay.
Pero aniya, “Hindi naman po ako dead na dead sa kanya. Crush ko talaga siya, pero ako po ay may boyfriend, bakit naman ako magpapakabaliw sa kanya?”
Dagdag pa ng aktres, “Youknow, we work well together and I have so much love and respect for him (Piolo), puwedeng harutan sa set, like ‘Papa P, pahalik nga guwapo talaga’ but it doesn’t goes beyond the set.
I am very happy with my personal life and I’d rather not complicate things. “At kung sakaling wala nga akong boyfriend at panahon na nga para ako magkaanak, halimbawa 38 na ako at naghahanap ng sperm donor at halimbawa si Papa P, e, that time ay wala pang asawa, e, (yayain ko), ‘Papa P, sperm donor naman diyan, pero ngayon po, sa aking present situation and hopefully hanggang future at ganito ang aking buhay at siya pa ang aking partner, e, parang hindi naman ako mangangailangan ng sperm donor,” ani Iza.
Anyway, kinukulit pa rin si Iza ng press kung sino ang peg niya sa karakter niyang bitchy-bitchy na newscaster sa “Somebody To Love” dahil parang may ginagaya raw siya.
Ayaw sabihin ni Iza at wala naman daw siyang iniisip, pero may binanggit daw si direk Joey Reyes na pangalan ng tanyag na newscaster na gayahin niya.
Para malaman natin bossing Ervin, e, watch na lang natin ang “Somebody To Love” sa Miyerkules, Agosto 20.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.