Coco sa posibilidad na ma-in love kay KC: Hindi ko pa alam, tingnan natin! | Bandera

Coco sa posibilidad na ma-in love kay KC: Hindi ko pa alam, tingnan natin!

Ervin Santiago - August 17, 2014 - 03:00 AM


Ayaw magsalita nang tapos ni Coco Martin tungkol sa posibilidad na magkalapit sila ng damdamin ni KC Concepcion ngayong magkatrabaho na sila sa Primetime Bida series na Ikaw Lamang na napapanood pa rin pagkatapos ng Hawak Kamay.

In fairness, marami ang nae-excite sa tambalan nila sa soap ng ABS-CBN lalo na ngayong palagi na silang magkaeksena. Kaya naman may mga nagsasabi na baka magising na lang tayo isang araw na nagkadebelopan na pala sila.

Aba, wala namang  imposible pagdating sa pag-ibig, di ba? Kahit itanong pa natin kay Mommy Dionisia. Ha-hahaha! Talagang si Mommy D ang peg!? Kaloka!

Anyway, ayon kay Coco, ayaw niyang pangunahan ang mga bagay-bagay, “Honestly di ko alam. Tignan natin. Siyempre first time naming magkasama. Kinikilala ko pa yung tao.”

Pero aminado ang Teleserye King na nae-excite siya everytime na nagkakasama sila ni KC,  “Napakabait pala niya. Di ko in-expect na ganu’n pala siya ka-humble. Una, siyempre nae-excite, siyempre KC Concepcion ‘yan.”

“May takot din kasi hindi pa kami ganap na magkakilala. First time lang naming magkakatrabaho. Di ko alam kung paano ba siya katrabaho.

Nakaka-surprise lang kasi first time naming magkaeksena kagabi, and then alam mo yung nakikipag-collaborate siya, lumalabas siya sa tent, nakikipagkuwentuhan siya sa amin ng mga directors, nakikipagkwentuhan siya sa mga staff,” papuri ng aktor
kay KC.

Tungkol naman sa isa pa niyang leading lady sa book 2 ng Ikaw Lamang na si Kim Chiu, mukhang tinuldukan na ni Coco ang posibilidad na magkaroon sila ng mas intimate na relasyon.

Sey ng award-winning Kapamilya actor, mas naging close pa sila ni Kim ngayon at itinuturing na niya itong younger sister.
“Close naman po kami kahit dati pa.

Para kaming magkakapatid niyan… sina Gerald (Anderson), Jake (Cuenca) at Kim. Halos sabay-sabay kaming nagsimula sa paggawa ng teleserye.”

Ngayong darating na linggo, asahang mas matitindi pang eksena ang mapapanood sa pagpapatuloy ng kuwento ng Ikaw Lamang, abangan kung hanggang saan aabot ang paghihiganting gagawin ni Gabriel laban kay Franco (Boyet de Leon).

Kasama pa rin diyan sina Amy Austria, Rio Locsin, Joel Torre, Nonie Buencamino at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( bandera.ph file photo )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending