Naudlot pa-Canada (2) | Bandera

Naudlot pa-Canada (2)

Joseph Greenfield - August 15, 2014 - 03:00 AM

Luisito ng Kabakan,  North Cotabato
Problema:
1.      Ang akala naming mag-asawa ay madali lang ang mag-migrate sa Canada dahil meron kaming mga kamag-anak doon.  Pero sumabit daw ang aming papeles sa embassy.  Malaki na ang aking nagagasta sa biyahe nang biyahe pa-Maynila kapag may call for interview.  Hindi naman sinasabi sa amin kung ano ba talaga ang problema ng aming papeles.
2. Alam kong mahigpit sila sa seguridad pero wala naman akong alam na kinasangkutan ng pamilya ko o mga kamag-anak ko sa Canada.  Tanging sa Canada na lang ang pag-asa namin para umasenso sa buhay.  Hindi na aasenso ang buhay namin sa Mindanao.  Kailan ba kami makaaalis?  July 12, 1971 ang birthday ko at September 13, 1978 ang misis ko.
Umaasa,
Luisito ng Kabakan, North Cotabato  
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Bilang Cancer (Illustration 2.) at Virgo sa misis mo, may nakalaang biyaya at suwerte sa paninirahan sa ibang bansa, higit lalo kung ang isa sa inyong mga anak ay isinilang sa zodiac sign na Taurus o kaya’y Capricorn.
Numerology:
Ang birth date ninyo ay nagsasabing sa taon 2015 tiyak ang magaganap, susuwertehin ka nang makaalis.
Graphology:
Ang pag-aanalisang tiyak na mangingibang-bansa ka ay madali namang kinumpirma ng lagda mong umaangat paitaas. Tanda na sa panahon ngayon nasasagap na ng unconscious mong isipan ang magaganap – ang makasakay sa eroplano upang ganap na ngang makapanirahan sa ibayong dagat.
Huling payo at paalala:
Luisito, ayon sa inyong kapalaran, kung babae ang kamag-anak mong tumulong sa  inyo upang matupad ang pangarap ninyo, nakatakda na ang mangyari sa 2015, sa buwan ng Nobyembre hanggang Disyembre, makakaalis ka na, upang paglipas pa nang ilang panahon, ang buong pamilya naman ang sama-sama ng makapanirahan sa abroad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending