JRU nakubra ang ika-4 sunod panalo | Bandera

JRU nakubra ang ika-4 sunod panalo

Mike Lee - August 12, 2014 - 03:00 AM

Mga Laro Bukas
(The Arena)
2 p.m. St. Benilde vs
Perpetual
4 p.m.  San Beda vs
Letran
Team Standings: San Beda (7-1); Arellano (7-2); Jose Rizal (6-3); Perpetual Help (5-3); Lyceum (5-4); St. Benilde (4-4); San
Sebastian (3-6); Emilio Aguinaldo (3-6); Letran (2-6); Mapua (1-8)

SINANDALAN ng Jose Rizal University at Emilio Aguinaldo College ang malakas na laro sa second half para manalo sa 90th NCAA men’s basketball kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Kinamada ni Philip Paniamogan ang lahat ng 26 puntos sa laro sa huling 20 minuto ng bakbakan para igiya ang Heavy Bombers sa 87-78 tagumpay sa Mapua Cardinals para sa kanilang ikaapat na sunod na panalo at selyuhan ang pangatlong puwesto sa
6-3 baraha.

May 12 puntos si Paniamogan sa ikatlong yugto, kasama ang triple na nagpasiklab sa 8-0 run para wakasan ang 30 puntos na ginawa ng kanyang koponan.

Dahil dito, ang 38-41 iskor pabor sa Cardinals ay naging 68-63 bentahe papasok sa huling yugto. Hindi na binigyan pa ng 23-anyos na shooter ng Heavy Bombers ang Cardinals na makabangon pa nang pakawalan ang tatlong sunod na tres tungo sa 77-66 bentahe.

Isang  3-point play matapos ang dalawang free throw ang naglayo sa JRU sa 15 puntos, 85-70. Si Anthony Benavides ay 17 puntos pa habang 12 ang ginawa ni Bernabe Teodoro para sa nanalong koponan.

Tumapos ang Cardinals sa 1-8 karta at nasayang ang 21 puntos, 10 assists at 9 rebounds si Carlos Isit. “Hindi inaasahan na malalagay kami sa pangatlong puwesto kaya kailangang paghandaan namin ang second round dahil babantayan na kami,” pahayag ni JRU coach Vergel Meneses.

May walong puntos si John Tayongtong sa huling yugto para makakalas ang Generals sa minamalas na San Sebastian Stags, 71-56, sa unang laro.

Tumapos si Tayongtong bitbit ang 17 puntos habang ang mga kakamping sina Jan Jamon, Noube Happi at Jack Arquero ay may 16, 13, at 12 puntos upang magsalo na ang Generals at Stags sa 3-6 karta.

Ito rin ang ikalawang panalo sa huling tatlong laro ng tropa ni EAC coach Gerry Esplana para magkaroon ng momentum papasok sa second round.

“Makakatulong ito para tumaas pa ang morale ng mga players,” wika ni Esplana na binuksan ang kampanya sa taon taglay ang panalo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ikalimang sunod na pagkatalo ang nalasap ng Stags at tanging si Jaymar Perez ang lumaban sa kanyang 18 puntos at 10 rebounds.

( Photo credit to inquirer news service )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending