Whitney Houston iniyakan nang buong mundo | Bandera

Whitney Houston iniyakan nang buong mundo

- February 20, 2012 - 03:48 PM

Sinusulat namin ang kolum na ito kahapon nang madaling-araw ay nakatutok kami sa CNN.

Tinututukan kasi du’n ang ginaganap na huling misa para sa pagpanaw ng idolo ng buong mundo na si Whitney Houston.

Nakakapangilabot ang ginawang pagpila sa kalye ng kanyang mga kababayan sa Newark, New Jersey, ang emosyonal na pamamaalam sa kanya ng aktor na si Kevin Costner, ang pagkanta ng bulag na singer na si Stevie Wonder na binago pa ang lyrics ng isang piyesa ni Whitney para umakma sa sitwasyon.

Unang nadiskubre ng kanyang pamilya ang hilig at galing sa pagkanta ni Whitney nu’ng bata pa siya bilang miyembro ng kanilang church choir, kaya ang sabi ng kanyang ina, nagsimuila siya sa simbahan at bumalik uli sa naturang simbahan nang mamayapa na siya.

Pagkatapos ng misa ay inilabas na ang kanyang mga labi para ihatid sa huling hantungan, nakapila sa gilid ng kalye ang mga taga-Newark, may hawak na mga lobo na iwinawagayway habang dumadaan sa kanilang harapan ang bangkay ng sikat nilang kababayan.

Nakakapangilabot dahil habang ginaganap ang paglilibing kay Whitney Houston ay umaalingawngaw naman ang pinasikat niyang awiting “I Will Always Love You” na dahilan para humagulgol nang humagulgol ang kanyang ina.

Ipinagluksa ng buong mundo ang pagpanaw ni Whitney Houston.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending