Regine selos na selos kay Solenn? | Bandera

Regine selos na selos kay Solenn?

- February 19, 2012 - 05:58 PM

Crush na crush daw kasi  ni Ogie Alcasid

KAHIT na ilang beses ko nang nakachikahan at nakita nang malapitan ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez – starstruck pa rin ako sa kanya, in fairness! Ha-hahaha!

Bumisita kami last Friday night sa napakagandang bahay nila ni Mr. A (Ogie Alcasid) diyan sa may Old Balara, Q.C. kasama ang ilan nating colleagues.

Wala lang, type lang nilang makipagtsismisan at makipagtawanan sa mga friends nila from the press, at magpasalamat na rin dahil sa success ng nakaraan nilang concert sa Smart Araneta na “Mr. & Mrs. A”.

Ang sarap-sarap ng mga inihandang food ni Mrs. A, lalo na ‘yung sitaw at fish.

Nakalimutan ko na nga ‘yung “title” nila sa sobrang sarap! Ha-hahaha!

Anyway, naikuwento naman ni Ogie na magsisimula na next month ang shooting ng bago niyang movie, ang “Boy Pick-Up” ng Regal and GMA Films kung saan makakasama nga niya si Solenn Heussaff.

Bukod pa ‘yan sa ginagawa niyang “Doo Bi Doo Bi Doo” na isang musical film with Eugene Domingo, Zsa Zsa Padilla and Gary Valenciano kung saan puro mga songs ng APO Hiking Society ang kakantahin nila.

Naku, nu’ng mabanggit na ang name ni Solenn ay biglang nag-iba ang timplada ng Songbird.

Umakting ito na parang selos na selos kay Solenn. E, alam naman kasi ng lahat na crush na crush ni Ogie ang sexy actress.

But of course, secured naman daw si Regine sa pagmamahal sa kanya ni Mr. A kaya wala namang selosang nagaganap.

Nakakatuwa nga ang mag-asawa dahil parang magkaibigan lang sila kung magturingan, parang magbarkada lang kung magbiruan.

At kitang-kita rin namin na talagang mahal na mahal nila ang isa’t-isa. Habang kausap nga namin sila ay magka-holding hands pa.

Say naman ni Regine, talagang kakaririn niya ang pagpapapayat kapag na-feel niya na hindi na kailangan ni Baby Nate ang breastmilk.

Sa ngayon daw kasi ay nagpapadede pa siya kaya hindi pa niya maitodo ang pagda-diet. Baka raw mga five to six months pa siya magpapa-breastfeed.

Marami naman ang nagsa-suggest na gumawa raw sila ng sitcom together, at pwede raw nilang gawing concept ang nakaraan nilang concert na “Mr. & Mrs. A” pero may twist, “Parang ang naiisip nila reality sitcom, ‘yung mga tunay na nangyayari sa buhay ng mag-asawa na may bagong anak. ‘Yung bukod sa comedy, may may mga tips silang makukuha, parang ganu’n.”

Why not? Habang naghihintay ng tamang panahon si Regine para makapagpapayat, e, gumawa muna sila ni Ogie ng project na hindi niya kailangang maging sexy.

In fairness, mukhang may promise nga ang pinaplanong reality sitcom para sa kanila ng GMA.

Pwede na nilang tapusin ang Pepito Manaloto ni Michael V dahil may sawa factor na ito, at ipalit nga itong planong project kina Mr. & Mrs. A.

Posible namang magkaroon ng repeat ang concert nina Ogie at Regine kahit na nga ipalalabas na ito sa GMA 7 sa March.

Marami pa rin daw kasi ang hindi nakapanood nito kaya nagre-request ang supporters ng mag-asawa na sana’y may isa pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At siyempre, gusto ring magpasalamat nina Ogie at Regine sa mga nagtiwalang sponsors sa show nila like GMA, Belo, Smart, Bench, Pacific Blue, Sterling, Pagcor, Lhuiller, McDonalds, Pest Off, Cravings at Woodpecker Studio.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending